ni Ed de Leon
ANG tsismis ng isang bading, sigurado raw prosthetics lang ang nakita sa masturbation scene ng isang male bold star sa isang pelikulang indie.
Nasabi niya iyon dahil “ilang iulit ko siyang na-get noong hindi pa siya gumagawa ng indie at hindi naman siya ganoon kalaki,” sabi ng bading.
Iyan ang mahirap minsan sa mga pumapatol sa bading, hindi lang nasasalaula ang kanilang pagkatao, natsitsismis pa sila pagkatapos lalo na at hindi nasiyahan sa kanilang date.
“Kaya ako takot sa ganyan eh, kasi tiyak na kakalat. Ok lang sa akin ang nangyayari eh ang ayoko lang iyong kakalat pa,” sabi naman ng isang male star na pahada rin sa mga bading. Pumayag din siyang makunan ng mga “compromising pictures” at video dahil binayaran naman siya ng malaki.
Ngayon natatakot siya nang kalasan na niya ang gay at sumama siya sa isang mas mayamang gay, at nalaman niyang hindi pa pala na-delete ang kanyang mga sex photo at videos. Basta kumalat iyon, tapos na ang kanyang ambisyong mag-artista at malamang iwanan pa siya ng gay na “nagpapala sa kanya ngayon.”