Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aga Muhlach Andres Muhlach

Kahit mas gwapo at pinagkakaguluhan
POPULARIDAD NI AGA ‘DI KAYANG ABUTIN NG ANAK NA SI ANDRES

HATAWAN
ni Ed de Leon

MARAMI ang nakapansin, pinagkakaguluhan na rin nila ang poging anak na lalaki ni Aga Muhlach, si Andres. Mukhang mas napapansin pa siya ng mga tao kaysa maganda niyang kakambal na si Atashana na artista na rin. Hindi siya halos napapahinga, lahat gustong makipag-selfie. 

Pero marami rin naman ang nakakapansin, pinagkakaguluhan pa rin ang tatay niyang si Aga na nagsasabi ngang, “I’m now 54.” Pero kahit na sabihin mong 54 na siya, hindi rin naman kasi nagbago ahg hitsura niya simula noong siya ay 14 years old sa Bagets, medyo tumaba nga lang ng kaunti. Pero si Aga, nananatiling favorite matinee idol of all time, kahit na tanungin ninyo si Maricris Nicasio.

Kung kami ang tatanungin, oo pogi rin si Andres, pero hindi niya kayang abutin ang naging popularidad ng tatay niya noong araw. Bago pa man mailabas ang pelikula nilang Bagets, nabaliw na ang fans kay Aga. 

Iyong trailer pa lang ng pelikula nila, pumapasok ang tao sa sine, hindi para panoorin ang palabas na pelikula kundi para makita lang ang trailer na nagsasayaw si Aga. At sa loob ng sinehan, maririnig mo silang nagtitilian. Sa pelikula, may isang eksena si Aga sa swimming pool, at maski na nga iyong suki namin sa video rental noon, sinasabing ilang kopya na ang nagawa niya sa pelikula dahil sa tuwing nagsasauli ang mga nagrenta gasgas ang eksenang iyon. Ibig sabihin, paulit-ulit na pinanonood at inire-rewind para makitang muli kaya gasgas ang tape.

SI Aga rin lang iyong nakita naming pati poster ng pelikula binibili ng fans. Talagang gumawa na sila ng sobra at ipinagbili na nila para mabawi naman ang gastos sa pagpapagawa dahil ang poster ay ninanakaw sa lobby display ng pelikula.

Iba ang naging dating ni Aga noong 1984. Isa siyang phenomenon. May isa kaming kuhang litrato ni Aga noon na inalok kami ng isang photo finishing company, babayaran kami basta pumayag na gumawa sila ng kopya noon at mai-display ng kanilang shops. Hindi naman kami pumayag dahil ang feeling namin ‘di para na rin kaming isa sa mga photographer na nagbebenta ng pictures sa bangketa. Uso iyon noong araw eh.

Kung  kami ang tatanungin, iba pa rin ang dating ni Aga. Iba talaga ang kanyang mukha, at sinasabi namin si Aga ang pinaka-pogi sa lahat ng naging artistang Muhlach. Hindi siya malalampasan kahit ng kanyang anak na si Andres. Ano ang say mo Maricris? (Ha ha ha—Ed)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …