Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Senior High

Sylvia may  panawagan sa mga magulang

MATABIL
ni John Fontanilla

ITO ang napapanahong teleserye para sa Millennials at Gen Z.” Ito ang iginiit ni Sylvia Sanchez patungkol sa kanilang bagong drama series sa ABS-CBN, ang Senior High.

Anang magaling na aktres, maraming mapupulot na aral sa kuwento ang  mga magulang.

Ang Senior High ay pinagbibidahan din nina Andrea Brillantes, Kyle7 Echarri, Elijah Canlas, Zaijian Jaranilla, Juan Karlos Labajo, Gela Atayde, at Xyriel Manabat.

Isa lang ang masasabi ko, ito ‘yung dapat at napapanahong teleserye sa oras na ito para sa Millennials at Gen Z,  na mga nabu-bully at nababastos, sa mga anak din na nagkakaroon ng mental problems.

Nagkakaroon sila ng problema, ang dami talaga. Alam natin na marami ang nagpapakamatay, kasi minsan, sa tingin ko, kaya gusto ko itong panoorin ng mga magulang, iyong sobrang pag-push sa mga anak, na hindi naman kaya ng anak, pero sumusunod ang mga anak.

“Kaya minsan, iyon iyong nagiging dahilan, nakalulungkot, kaya karapat-dapat itong serye na ito,” giit pa ni Sylvia.

Napapanood na ngayon sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN ang Senior High, 9:30 p.m. na idinidirehe nina Onat Diaz at Andoy Ranay, hatid ng ABS-CBN Entertainment at iWantTFC ang isang Dreamscape Entertainment production, tampok din sina Tommy Alejandrino, Gela Atayde, Baron Geisler, Mon Confiado, Desiree Del Valle, Kean Cipriano, Ana Abad Santos, Gerald Madrid, Inka Magnaye, Angeli Bayani, Ryan Eigenmann, Rans Rifol, Rap Robes, Kakki Teodoro, at Floyd Tena.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …