Sunday , December 22 2024
Aga Muhlach Charlene Gonzales Vilma Santos Ralph Recto

Scoop sa kasal nina Aga-Charlene, Ate Vi-Cong Ralph

HATAWAN
ni Ed de Leon

NATATANDAAN din namin noong kasal ni Aga Muhlach sa Baguio. Ang dami naming reporters na naroroon kaya dapat unahan iyan. Iyong mga kasama namin, may mga kasamang photographers na mabilis tatakbo sa Maynila dala ang kanilang kuha. Eh ako walang kasama, pero mayroon akong camera.

Bumaba ako sa Session Road at kinausap ang isang photo shop. Sabi ko babayad ako kahit na doble, basta pagdating ko uunahin nilang gawin ang mga kuha ko at mabilisan din silang gagawa ng print.  Ang nasa isip ko kasi noon ay ang sistema ng mga reporters ng Asahi Shimbun na nakasabay ko sa coverage minsan, ang gamit nila ay digital camera at naita-transmit nila iyon gamit ang internet na bago pa lang noon. 

Wala pa namang digital camera noon dito sa atin, kaya matapos na kumuha ng ilang shots habang nagsisimula ang kasal, tumakas na kami at nagpunta sa Session Road. Nakabuo kami ng 12 pictures lamang. Tapos tumakbo na kami sa shop ng PT&T doon din sa Session Road dahil naghihintay na sa amin ang isang scanner at computer. 

Ginawa na namin ang istorya, nag-scan ng pictures at naipadala namin sa aming diyaryo ang litrato at kuwento. Papauwi kami sa Maynila madaling araw pa lang, nakita ng aming mga kasama na lumabas na ang aming istorya at litrato sa aming diyaryo. Tapos ang kantiyawan, “Akala ko ba dapat sabay-sabay lang tayong maglalabas ng istorya kaya magkakasama tayo?” Nagtulog-tulugan na lang kami sa likod ng sasakyan. Kasalanan ko ba kung may naisip akong ibang paraan na mas mabilis?

Nagawa namin iyon at napanganga na lang ang mga diyaryong may black and white photos kasama ang kanilang istorya.

Noong ikasal sina Ate Vi (Vilma Santos) at Cong Ralph Recto sa Lipa, iba naman ang gimmick namin. May dala kaming portable typewriter para maisulat ang istorya, tapos kinausap namin ang isang botika sa tapat ng Cathedral na may telepono at nakisaksak kami ng dala naming fax machine. 

Ginawa namin ang istorya at ipinadala sa pamamagitan ng fax. Tapos may mga runner namang itatakbo ang mga kuha namin ni Tony Tantay sa isang photoshop sa Cubao para roon i-process ang mga color transparencies namin. Ang hinahabol nila ay mailabas ang istorya sa front page.

Samantalang kami ay isang buong magazine na parang wedding album nina ate VI at Cong Ralph, na ang lahat ng litrato ay in color. Iyon ang mga panahong wala kaming tulugan.

Kaya kung iisipin nauna kami kay Kuya Germs sa Walang Tulugan (programa ni Kuya Germs). Magmula noon basta may artistang ikakasal ay kami ang binabantayan nila kung ano ang gagawin. Eh hindi na kami interesado sa mga susunod pang kasal, ang masama pa, may isang ambisyosong nagsabi na kumita raw kami ng malaki sa kasal niya, eh ni wala ngang pumansin sa istorya niyon. Ano siya sikat?

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …