MATABIL
ni John Fontanilla
MATAGUMPAY ang premiere night ng Huling Sayaw na pinagbibidahan ni Bugoy Cariño sa Cinema 2 ng SM North, The Block.
Ang Huling Sayaw ay hatid ng Cameroll Entertainment Productions na idnirehe ni Errol Ropero.
Ang pelikula ay tungkol sa journey ni Danilo (Bugoy) na ang pangarap ay maging sikat na dancer sa Manila na napabayaan ang pag-aaral dahil sa barkada, bisyo, at yumabang nang naging star dancer ng kanyang paaralan.
Laman din ng pelikula ang kahalagahan ng pagkakaibigan at pagtupad ng pangarap.
Napakahusay ni Bugoy sa pelikula maging ang mga co-star niyanh sina Rob Sy (Pabling), Ramon Christopher(Pancho), Christian Vasquez, Emilio Garcia (Ramil), Jeffrey Santos, Jao Mapa (Coach Azkiel), Brenn Garcia (Bailey), Andy Abellar (Stephanie), Miles Manzano (Drake), at Potchie Angeles (Patrick).
Kasama rin sina Mark Herras, Zeus Collins, at Mickey Ferriols bilang Nanay ni Danilo.
Magsisimulang mapanood sa mga sinehan ang Huling Sayaw sa September 13.