MATABIL
ni John Fontanilla
RATSADA sa paggawa ng pelikula sa bakuran ng Viva Films si Bea Binene. Isa sa malaking pelikulang ginagawa nito ay ang Nokturno na pagsasamahan nila ni Nadine Lustre kasama sina Eula Valdez at ididirehe ni Mikhail Red.
Bagamat sunod-sunod ang pelikulang ginagawa ni Bea, walang balak na magpa-sexy ang aktres. Mas gusto nito ang drama o gumawa ng action or horror films.
Hindi pa nito kaya ang magpakita ng sobra-sobrant skin sa big screen lalo na’t isa rin siyang radio event at tv host.
Tsika ni Bea na ibigay na lang sa ibang artist na kayang-kaya at minamani lang ang pagpapapa-sexy sa pelikula. Sa ngayon ay happy na siya sa mga proyektong natatanggap niya mula sa Viva.