Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jose Javier Reyes Patikim-tikim Apple Dy Chloe Jenna Yen Durano

Sexy-comedy film ni Joey Javier Reyes tiyak papatok

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NGAYONG September, isang Vivamax Original Movie mula kay Jose Javier Reyes ang magpapakita kung gaano kahalagang piliin muna ang sarili at kung gaano kasarap sa pakiramdam ang malayang nakapipili. 

Isang sexy-comedy film na pinagbibidahan nina Apple Dy, Chloe Jenna, Aerol Carmelo, at Yen Durano, ang Patikim-tikim, streaming exclusively sa Vivamax sa September 15, 2023. 

Samahan si Miyo na hanapin ang kanyang the one. Matapos ang ilang taon ng paglalaro sa pakikipagrelasyon, sa wakas ay ready nang mag-settle down at magkapamilya si Miyo (Aerol Carmelo). Naghahanap siya ngayon ng perfect partner dahil ang girlfriend niyang si April (Chloe Jenna), na kilala sa pagiging wild at liberated, ay hindi pasok sa criteria. Ang best friend at katrabaho naman ni Miyo na si Orson (Jaggy Lejano) ay pabor sa pakikipaghiwalay nito kay April.

Pero may ibang plano ang mga pagkakataon kay Miyo, dahil sa paghahanap niya ng perfect partner mula nang magtatagpo sila ng first love niyang si Ivy (Yen Durano). Dahil mukhang umaayon ang mga bagay-bagay, naniniwala si Miyo na si Ivy na nga ang nakatadhana niyang mapangasawa. Pero hindi magiging madali para sa kanya na muling mapaibig ang ex-girlfriend dahil may nagmamay-ari na ng puso ni Ivy, si Bianca (Apple Dy), isang bagay na hindi inaasahan ni Miyo o ng kahit na sino.

Ang Patikim-tikim ang newest offering ng Vivamax at ng award-winning at box-office director na si Reyes. Ito ay puno ng kaseksihan, kulit, at kuwela na may kuwento tungkol sa gender roles at iba pang social issues na tiyak makare-relate ang karamihan sa mga millennial at Gen-Z.

Siguradong hahanap-hanapin mo ang sarap ng Patikim-tikim, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong September 15, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …