Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Yen Durano Apple Dy patikim-tikim

Yen Durano at Apple Dy, palaban sa love scenes sa Patikim-Tikim ng Vivamax

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KOMPORTABLE raw sa isa’t isa ang mga bida ng pelikulang Patikim-Tikim (Choose(y) Me na sina Yen Durano at Apple Dy, kaya walang kaso sa kanila kung sumabak sa hot na hot na romansahan.

Ayon kay Apple, okay lang sa kanya kahit babae o lalaki man ang kanyang ka-love scene.

Matindi ang bed scene nina Apple at Yen dito at kaabang-abang talaga ito.

Esplika ni Yen, “No, naman po, I think it was very natural, We’re really comfortable with each other. We met each other na, sa look test pa lang. So, okay lang sa amin ‘yung mga love scenes na ginawa namin sa movie na ito.”

Lahad naman ni Apple, “I feel so comfortable po, kasi sobrang gaan po nila ka-work, and sobrang saya ka-work nina Yen at Chloe (Jenna).”

Ayon pa kay Apple, sobrang thankful siya dahil sunod-sunod ang projects niya ngayon. Kapapalabas lang ng Punit na Langit sa Vivamax, at this Friday ay ito namang Patikim-Tikim ang ipalalabas.

Ngayong September, isang Vivamax Original Movie ang magpapakita sa atin kung gaano kahalagang piliin muna ang sarili at kung gaano kasarap sa pakiramdam ang malayang nakapipili.

Ang Patikim-Tikim ay isang sexy-comedy film na pinagbibidahan nina Apple, Chloe, Aerol Carmelo, at Yen. Ihahain na ang Patikim-tikim, streaming exclusively sa Vivamax ngayong Sept. 15, 2023.

Samahan si Miyo (Aerol) na hanapin ang kanyang the one matapos ang ilang taon nang paglalaro sa pakikipagrelasyon, sa wakas ay ready nang mag-settle down at magkapamilya. Naghahanap siya ngayon ng perfect partner dahil ang girlfriend niyang si April (Chloe), na kilala sa pagiging wild at liberated, ay hindi pasok sa criteria.

Ang best friend at katrabaho naman ni Miyo na si Orson (Jaggy Lejano) ay pabor sa pakikipaghiwalay ni Miyo kay April. Pero may ibang plano ang mga pagkakataon kay Miyo, dahil sa paghahanap niya ng perfect partner muli silang magtatagpo ng first love niyang si Ivy (Yen).

Ang Patikim-tikim ang newest offering ng Vivamax at ng award-winning at box-office director na si Jose Javier Reyes. Ito ay puno ng kasexyhan, kulit, at kuwela na may kuwento ukol sa gender roles at iba pang social issues na siguradong makare-relate ang karamihan sa mga millennials at Gen-Z.

Siguradong hahanap-hanapin mo ang sarap ng Patikim-Tikim, streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong September 15, 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …