Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest, posas, fingerprints

MWP No. 2 ng Samar nadakip sa Caloocan

NASAKOTE ng mga awtoridad sa ikinasang manhunt operation sa Caloocan City ang isang lalaking wanted sa kaso ng tangkang panggagahasa sa Eastern Samar, makalipas ang mahigit anim na taong pagtatago sa batas.

Kinilala ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Robert Sales ang naarestong akusado na si Nelson Alidon, 22 anyos, tubong Hernani, Eastern Samar at residente sa San Rafael, Guagua, Pampanga.

Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Lt. Col. Sales, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensiya ng akusado sa Brgy. 8, Caloocan City.

Kaagad nakipag-ugnayan ang DSOU sa 2nd Coy ESPMFC, Hernani MPS Eastern Samar, PIU- ESPPO at DID-NPD saka nagsagawa ng joint manhunt operation sa pangunguna ni P/Lt. Armando Pandeagua, Jr., kasama ang NDIT-RIU NCR na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong 3:30 pm sa Salmon St., Brgy. 8.

               Ani Lt. Col. Sales, si Alidon, rank no. 2 sa most wanted persons (MWP) ng Hernani Municipal Police Station (MPS) ay dinakip ng kanyang mga tauhan sa warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Nathaniel E. Baldono ng Regioanl Trial Court (RTC) Branch 2, Borongan City, Eastern Samar noong 2 Agosto 2017, sa kasong Attempted Rape. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …