Friday , January 9 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

6th The EDDYS ng SPEEd sa Okt. 22 na; awards night ididirehe ni Eric Quizon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INIHAYAG ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang magaganap na 6th Entertainment Editors’ Choice o mas kilala bilang The EDDYS ngayong taon.

Ang awards night ay isasagawa sa Oktubre, 22, 2023 sa EVM Convention Center, 37 Central Avenue, Quezon City at ididirene ng award-winning actor at filmmaker na si Eric Quizon.

Ngayong taon, ihahatid ng Airtime Marketing Philippines na pag-aari ng event producer na si Tess Celestino-Howard ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS na magkakaroon din ng delayed telecast sa NET 25 sa Oct 28, 2023.

Ang annual event na ito na mula sa samahan ng mga entertainment editors sa Pilipinas ay nagbibigay ng pagkilala at pagpapahalaga sa mga pelikula at personalidad na itinuturing na “best of the best” sa Philippine Cinema.

Mamimigay ng 14 acting at technical awards ang SPEEd para sa 6th The EDDYS na pipiliin mula sa mga nominadong pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at ilang digital platforms noong 2022.

Tulad sa mga nakaraang gabi ng parangal, magsisilbing highlight ng event ang pagbibigay-pugay sa bagong batch ng EDDYS Icons na itinuturing nang mga haligi ng movie industry.

Sila ang mga artista, direktor at iba pang personalidad na hindi matatawaran ang kontribusyon at pagmamahal sa industriya ng pelikulang Pilipino sa loob ng mahabang panahon.

Ang ilan pa sa mga special award na ipamamahagi sa ikaanim na edisyon ng The EDDYS ay ang Isah V. Red Award (ang mga walang sawang tumutulong at nagbibigay inspirasyon sa mga kababayan nating nangangailangan), Joe Quirino Award at Manny Pichel Award (para sa mga natatanging miyembro ng entertainment media).

Bibigyang halaga rin sa awards night ang Producer of the Year at Rising Producer of the Year. 

Ang SPEEd ay binubuo ng mga current at former entertainment editors ng mga leading newspaper at online site sa Pilipinas, sa pangunguna ng presidente nitong si Eugene Asis ng People’s Journal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …

Cassy Legaspi

Cassy sa serye ng kanilang pamilya: this is our love letter

RATED Rni Rommel Gonzales THANKFUL din si Cassy Legaspi sa seryeng pinagbibidahan ng kanilang buong pamilya, ang Hating …

Zoren Legaspi Mavy Cassy Carmina Villarroel

Hating Kapatid good venue para maipakita ibang side ng Legaspi family

RATED Rni Rommel Gonzales ISANG malaking blessing para kay Cassy Legaspi, ang GMA drama series na Hating Kapatid sa kanilang …