Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gerald Anderson Maja Salvador  Rambo Nuñez

Gerald, Maja nagkita, nagbeso

MA at PA
ni Rommel Placente

NAGKITA sa FIBA Basketball World Cup 2023 ang dating magkasintahang Gerald Anderson at Maja Salvador

Kumalat sa TikTok ang video clip na lumapit si Gerald sa puwesto nina Maja at mister nitong si Rambo Nuñez sa may front seat area ng Philippine Arena sa Bulacan.

Sa paglapit ni Gerald sa mag-asawa, nagyakapan sila ni Rambo. Sumunod na nilapitan ni Gerald si Maja, at nagbeso pa ang mga ito.

Iyon ang first game ng Gilas Pilipinas laban sa Dominican Republic na ginanap noong August 25, 2023.

Pero bukod sa pagkikita ng ex-couple, pinuna ng netizens ang reaksiyon ng engaged couple na sina Sam Milby at Miss Universe 2018 Catriona Gray na nasa bandang likuran ni Maja.

Biro ng netizens, “forda marites” ang reaksiyon nina Sam at Cat sa nasaksihang pagkikita nina Maja at Gerald.

May mga nagkomento ring tila all is well kina Maja at Gerald dahil cool lang ang mga ito sa video.

Tingin din ng isang netizen, malaking bagay na hindi nagsalita si Maja tungkol sa hiwalayan nila noon ni Gerald kaya nanatiling civil ang mga ito.

Nakatutuwa si Gerald, at least, nagawa niyang unang lumapit kina Rambo at Maja, nang makita  niya ang mga ito.

Matagal na rin naman silang hiwalay ni Maja. At siguro, kinalimutan niya na ang hindi magandang nangyari sa relasyon nila before, at masaya na rin naman siya sa piling ni Julia Barretto kaya nagawa nga niyang lapitan ang ex-girlfriend nang makita niya ito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …