Sunday , December 22 2024
Lovi Poe Ivana Alawi Coco Martin Jaclyn Jose

Lovi Poe ratsada at balik-taping sa FPJBQ; Ivana at Jaclyn bagong karakter na aabangan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BALIK-TRABAHO agad ang bagong kasal na si Lovi Poe kaya supalpal ang mga nagsasabing hindi na siya mapapanood sa action-romance-drama series na pinagbibidahan ni ni Coco Martin, ang FPJ’s Batang Quiapo.

Agad ngang sumabak sa taping si Lovi nang magbalik-‘Pinas pagkatapos ng napakaganda nilang kasal ni Monty Blencowe sa United Kingdom.

Ratsada sila sa taping dahil aalis sila ni Coco para sa pagtatanghal ng ASAP Natin ‘To sa Milan, Italy sa September 10.

Sa pag-apir muli Lovi sa FPJBQ , nabutata ang mga nagkakalat ng tsikang papalitan ito ni Ivana Alawi bilang leading lady ni Coco.

Totoo namang mapapanood si Ivana gayundin si Jaclyn Jose sa FPJBQ at dalawa sila sa mga bagong karakter na magbibigay kulay at dilim sa buhay ni Tanggol (Coco) sa pagbubukas ng bagong yugto ng sikat na Kapamilya teleserye.

Makakasama rin nina Jaclyn at Ivana sa star-studded Kapamilya teleserye ang mga bagong karakter nina Robert Seña, Soliman Cruz, Lao Rodriguez, Jess Evardone, Vandolph, Romy Romulo, Zeppi Borromeo, Michael Rivero, Pambansang Kolokoy, at Haprice.

Nakatakdang harapin ni Tanggol ang mga bagong karakter kasabay ng simula ng pinakamalaking dagok sa kanyang buhay ngayong hinutulan siya ng pang-habambuhay na pagkakabilanggo. 

Sa kabila ng walang katapusang paghihirap at poot na pinagdaraanan ni Tanggol, posibleng tumibok muli ang kanyang puso kapag nakilala niya si Bubbles (Ivana), ang magiging kaagaw ng pinakamamahal niyang si Mokang (Lovi).

Pero hindi lang si Tanggol ang magdudurusa dahil pati ang nanay niyang si Marites (Cherry Pie Picache) ay makararanas ng sunod-sunod na pagsubok sa pamilya. Gagamitin naman ni David (Mccoy De Leon) ang pagkakakulong ng kapatid para itodo ang pagpapanggap bilang ang pekeng Tanggol para simutin ang kayamanan ng kanyang tatay. 

Samantala, patuloy na kumakapit ang mga manonood sa FPJ’s Batang Quiapo, na mayroong mahigit 2.7 billion total online views mula noong nag-premiere ito ng Pebrero. Dapat abangan sa serye ang mas pinatinding drama at aksiyon sa pagpasok ng mga bagong karakter na makakasama ng award-winning stars tulad nina Lovi, Charo Santos, Cherry Pie, Christopher De Leon, at marami pang iba. 

Kaya huwag palampasin ang maaaksiyong kaganapan sa FPJ’s Batang Quiapo, na hango sa orihinal na kuwento ng Regal Films, gabi-gabi, 8:00 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, iWantTFC, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …