Sunday , December 22 2024
Dindo Fernandez

Morisette at Katrina gustong maka-collab ng Soulful Balladeer na negosyante

MATABIL
ni John Fontanilla

ANG mahuhusay na singer na sina Morisette at  Katrina Velarde ang gustong maka-collab ng Soulful Balladeer si Dindo Fernandez na naging nominado sa 2022 Aliw Awards for Best New Male  Artist of the Year at Best Male Performance in a Concert.

Sa meet and greet nito sa EF Cafe and Restaurant, Alangilan Batangas City, sina Morisette at Kantrina ang dalawa sa paborito nitong singer.

Samantalang si Gary Valenciano naman ang pinakapaboritong singer sa lalaki. Ilan sa naka-influence ng kanyang music sina Martin Nievera, Michael Pangilinan, Boyz 2 Men, at Mariah Carey

Ayon kay Dindo malaking tulong sa kanya ang pagiging choir member kaya gumaling siya sa pagkanta.

“I Believe that my foundation in choir singing has helped me a lot to express any song soulfully and wholeheartedly. I was able to blend my voice with  the rest of the members and be able to discover my vocal range. And I guess my edge over other singers is that, when I sing I tell my story.”

Bukod nga sa pagiging mahusay na mang-aawit ay isa rin itong composer at dalawa sa kanyang original composition na kanyang kinanta ay ang Akala Ko at Makinig Ka at kanyang revival song na I Look To You na awitin ni yumaong Whitney Houston.

Sa ngayon ay busy ito sa kanyang mga negosyo at sa promotion ng kanyang mga kanta.

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …