UMANI ng positibong reaksiyon mula sa netizens ang sagot ni Kylie Padilla sa isang katanungan sa kanya sa X(dating Twitter) sa kung hindi siya artista ay tagapulot ng basura ang propesyon niya.
Pero bago ang nasabing katanungan ay may mga naunang tanong katulad ng, “Ano ang favorite song mo?” na game na game naman nitong sinagot ng I Still Haven’t Found What I’m Looking For ng U2.
At sa tanong naman sa kung sino ang paborito niyang painter? Sagot ng aktres, si Van Gogh ang bet na bet niyang painter.
At sa katanungan ng isang fan na, “Ate kung hindi ka po artista now ano po sa tingin niyo ‘yung magiging career niyo?”
Na agad- agad namang sinagot ni Kylie ng “Taga-pulot ng basura, I’d love to do something for nature.”
Ilan sa naging positibong reaksiyon ng mga netizens ang sumusunod.
“Aww that’s so kindd naman atee.”
“Forda street sweeper ang nais ng fersonavility. You’re such a down to earth person talaga.”