Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mike Enriquez

Mike Enriquez pumanaw sa edad 71

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KINOMPIRMA ng 24 Oras ngGMA7na namaalam na ang beteranong news anchor at mamamahayag na si Mike Enriquez sa edad 71.

Wala pang binanggit na dahilan ng pagpanaw ng batikang broadcaster nang iulat ito ng 24 Oras kagabi.

Nagpahayag ng kalungkutan ang mga kasamahan ni Mr Enriquez sa pagpanaw nito. Unang nag-post ng pagkalungkot bagamat walang binanggit na pangalan si  Arnold Clavio sa pamamagitan ng kandila na may itim na background sa kanyang social media account.

Nakidalamhati rin ang mga reporter sa GMA na sina Nelson Canlas, Oscar Oida, Connie Sison, at Julius Segovia sa post nila sa socmed bagamat walang pangalan na tinukoy.

Taong 2021 nang magpa-kidney transplant si Mike kaya sandali itong namaalam sa pagbabalita. Kasunod nito ang balitang pumanaw na noong taong 2022 dahil sa mahabang pagkawala sa GMA News program na 24 Oras.

Bagamat matagumpay ang operasyon, kinailangan pa ring magpahinga ng tatlong buwan si Ka Mike noong December 2021 para matiyak ang paggaling nito.

Nasabi nga ni Mike, “I’m not yet finish with the process. It’s still ongoing for me. It’s about my future, my career, my life.”

Bagamat agas naghatid ng balita at napanood sa 24 Oras si Mike, muli itong nagpaalam sa ere para ipgpatuloy ang pagpapagamot. Mula noon hanggang ngayon hindi na bumalik si Mike hanggang lumabas ang malungkot na balitang ito.

Si Mike ay isa sa anchor ng flagship newscast ng GMA na 24 Oras at host din ng radio program na Saksi sa Dobol B. Host din siya ng Imbestigador.

Consultant din siya for radio operations ng GMA Network at presidente ng regional and radio subsidiary, RGMA Network Inc at Station Manager ng Super Radyo DZBB.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …