Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricky Davao Gina Alajar

Ricky at Gina epektib ang pagpapakilig bilang mga senior citizen na nainlab

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKATUTUWA ang pelikula nina Ricky Davao at Gina Alajar na bagamat ukol sa mga senior citizen ay nakatitiyak na magugustuhan ng sinumang manonood. Ang tinutukoy namin ay ang unang pelikulang handog ng NET25 Films, ang “

Monday First Screening na mapapanood na sa mga sinehan sa Agosto 30.

Talaga namang walang eksenang hindi ka hahagalpak ng tawa lalo’t napakahusay na nagampanan nina Ricky at Gina ang mga karakter na nasa senior age na. 

Nasabi nga namin na maganda ang itinakbo ng istorya dahil parehong magagaling na aktor ang dalawa. Kung iba siguro ang mga bida hindi siguro ganoon ang dating.

At heto ka ha may kilig ang kuwento para sa iba’t ibang henerasyon at pambuong pamilya. 

Mabuti na lamang ay mapanood ito ng bawat miyembro ng pamilya sa 100 sinehan sa buong bansa simula Agosto 30.

Ang Monday First Screening ay kwentong pampamilya na nagpapatibay sa layunin ng NET25 na magbigay ng dekalidad na entertainment sa sambayanang Filipino. 

Bilang isang network na kilala sa mga programang child-friendly at family-oriented sa telebisyon, mas pinalawak pa ng NET25 ang paggawa ng content sa pamamagitan ng pag-produce ng pelikula.

Ang pelikulang Monday First Screening ay sumasalamin sa karanasan nating mga Filipino—ang paghahanap ng tunay na pag-ibig, ang halaga ng pakikisama, at ang pagbibigay ng pangalawang pagkakataon. 

Sa mundo ng sinehan na ang kadalasang target ay partikular na demograpiko, patutunayan ng Monday First Screening na it ay nagbibigkis sa mga henerasyon, nagpapamulat ng mga makabuluhang usapan at mga eksena na makare-relate ang bawat miyembro ng pamilya.

Ipinagmamalaki din ng NET25 Films na ang pelikula ay pagbibigay ng parangal sa mga kwento ng senior citizens at kanilang mga karanasan. Ang natatanging perspektibang ito ay magbibigay-inspirasyon sa mga manonood sa buong bansa, katunayan ang mga komento at review online tungkol sa pelikula.

Ang Monday First Screening na idinirehe ni Benedict Mique ay hindi lamang isang pelikula, ito’y isang karanasan para sa bung pamilya.

Kaya panoorin ang Monday First Screening kung gusto ninyo ng light comedy family movie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …