MATABIL
ni John Fontanilla
MASAYANG ibinalita ni Sen Bong Revilla na sa pagtatapos ng kanyang hit Kapuso series na Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis ay mataas ang ratings at loaded with commercials. Kaya naman nagpapasalamat ito sa mga taong walang sawang nanonood at sa mga advertiser na 100% ang support.
Ayon kay Sen Bong inaayos na ang Season 2 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis na baka next year na maipalalabas.
At isa pa ngang sorpresa ni Senator Bong sa kanyang mga tagahanga ang bonggang selebrasyon ng kanyang ika-57 kaarawan sa Setyembre 25 na gaganapin sa Okada Manila kasabay ang pagdiriwang ng kanyang golden anniversary sa showbiz.
Magkakasama rito ang mga Kapuso at Kapamilya na nakatrabaho niya sa loob ng limang dekada na pamamahalaan ng ABS-CBN ang production at ipalalabas naman ito sa GMA-7.
At kahapon sa Facebook live si Sen Bong, may pa-gender reveal ng baby nila sina Jolo Revilla at Angelica Alita. Ginawa rin ang Pasasalamat ni Tolome! Giveaway na namigay si Sen Bong ng laptops, cash prizes, at iba pang surprises.