Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gari Escobar

Gari Escobar’s 2nd album plantsado na pinamagatang Ikaw Lang

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

KAHIT abala sa kanyang negosyo ang recording artist/businessman na si Gari Escobar, mayroon pa rin siyang time para sa kanyang pagmamahal sa musika.

Very soon ay lalabas na ang second album ni Gari at talagang tiniyak niyang ibang Gari ang mapapakinggan sa kanya rito.

Aniya, “Yes po, sa singing and business ang focus ko ngayon. Yes kuya, pagsasabayin ko ngayon,”

Dagdag ni Gari, “Iyong album ko is an equal balance of happy love songs and ballads with upbeat music.”

Nabanggit din niya ang kaibahan ng kanyang new album sa nauna niyang ini-releae na album bago mag-pandemic.

“Iyong unang album ko, mostly ballads. Dito sa second album ko, isa lang ang malungkot ang melody, the rest ay upbeat na, nag-experiment kasi kami rito, e.

“Ang malungkot na melody ay Iwan Mo Na Ako. Ang iba pang songs rito ay Bakit Hindi Puwede? Love Song Ba? Ikaw Lang, at Ibang-Iba…Bale, isang Pop Rock ito, two Alternative Pop, at isang R&B.”

Dagdag niya, “Iyong Bakit Hindi Puwede ay malungkot ang lyrics, pero ang melody ay hindi.

“Ang carrier single ay Ikaw Lang na expression of how happy one can be, when with somebody he loves, despite the odds.”

Ayon kay Gari, “So, bale eight songs lahat ang second album ko and lahat ito will be available on all digital platforms.”

Isa pang nakabibilib kay Gari, lahat pala ng songs sa new album niya, kabilang siya sa composer.

Lahad niya, “Sa first album ko, two songs are composed by maestro Vehnee Saturno. Samantalang this second album naman, seven songs I composed it with my friend Bong de Guzman, and one song, I composed naman with Rein Operio.”

Mabuti at kaya niyang pagsabayin ang business at ang kanyang love for singing?

“Yes kaya naman, masa-sacrifice lang talaga ang personal life, walang pasyal at no love life,” nakangiting sambit ni Gari.

Si Gari ay nakilala noon sa kanyang mga novelty songs tulad ng Baguio, Lumaban Ka, Dito sa Piling Ko, Hanap Ko Pa Rin, at Ayaw Kong Makita Ka.  Umaasa siyang sa kanyang bagong album, ibang Gari naman ang makikilala ng madlang pipol.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …