Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maine Mendoza Alden Richards

Isa sa 3 anak daw nina Alden at Maine ipinakita na

HATAWAN
ni Ed de Leon

KUNG my darating sa amin na may dalang litrato ng isang bata, at sasabihin na iyon ay picture ng isa sa tatlong anak nina Maine Mendoza at Alden Richards, na palihim na ikinasal three years ago, hindi namin iyon tatanggapin, kung hindi masasagot ang mga tanong.

Una hindi kami papayag na ang picture ng bata ay nakatalikod, natural gusto naming makita ang mukha para malaman kung kamukha ba ni Alden o kamukha ni Maine. Kailangang makita namin ang birth certificate para malaman kung kailan ipinanganak ang bata, kung saan ipinanganak at kung sino ang mga tunay na magulang.

Kung may tamang dokumeno lamamng natin masasabing tooo nga iyon. Hindi lang naman sa amin, kahit na saang lehitimong media ay ganyan ang kanilang gagawin. 

Hindi puwede sa lehitimong media iyong manghuhula ka lang, tapos basta nabuko sasabin mo”ay empol”. Sa larong piko lang puwede ang empol. Kung nasa diyaryo ka, tiyak iyon sususpendihin ka ng editor mo, kundi man patatalsikin ka nang tuluyan. At sa tiingin mo ba may tatanggap pang diyaryo sa iyo kung sasabihing kaya naalis ay dahil na-empol ka? Palagay namin wala kundi mga diyaryong how-siao.

Pero sa social media na talaga namang puro how-siao lulusot iyan. Walang editor iyan eh iyong mga nagpo-post sa social media, kahit na fake news puwede riyan eh. Kung mabuko naman sila gagawa lang ng bagong account iyan, magpapalit ng pongalan at tapos siyete na naman.

Kaya namin sinasabi iyan ay dahil nagkakagulo sila noong isang araw sa social media platform na X dahil naroroon daw ang picture ng isa sa tatlong anak nina Main at Alden. Nang makita namin, nasa isang stroller at katalikod at hindi naman makita ang mukha. Basta sinabi lang na iyon si Sebastian Theodore M Faulkerson, isa sa tatlong anak nina Alden at Maine. 

Hindi man lang nasabi kung iyon ang panganay, pangalawa o bunso. Hindi namin makita ang mukha ng bata para masabi mo kung kamukha man lang nina Alden at Maine. Basta sinabi ng nag-post na isa raw iyo  sa tatlong anakl ng AlDub.

Iyong nag-post niyon ay hindi namin kilala, pero siya rin ang nagsabi na kilangang kumilos ang simbahang Katoliko at ideklarang fake ang kasal nina Maine at Arjo Atayde sa Baguio kamakailan dahil ikinasal lang daw ang dalawa sa isang chapel at ang nagkasal ay hindi totoong pari kundi naka-costume lang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …