Monday , October 2 2023
shabu drug arrest

Sa Kaypian CSJDM
DRUG DEN TINIBAG 5 TULAK TIMBOG

SINALAKAY ng mga anti-narcotic operatives ang isang makeshift drug den at nakorner ang limang drug personalities sa Brgy. Kaypian, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan nitong Lunes, 7 Agosto.

Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency – Central Luzon Provincial Office ang mga naarestong suspek na sina Emerson Centeno, 46 anyos; Ryan Joseph Papina, 40 anyos; Christian Jay Villanueva, 28 anyos; at Renato Mata, 43 anyos, pawang mga residente sa San Jose del Monte; at Abdul-Hadrame Bantuas, 40 anyos, residente sa Kidapawan, North Cotabato.

Nakompiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang halos 15 gramong hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P102,000; sari-saring drug paraphernalia; at buybust money.

Ikinasa ang drug sting ng magkasanib na mga elemento ng PDEA Central Luzon at ng lokal na pulisya.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga arestadong suspek. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …

Arrest Posas Handcuff

 ‘Exhibitionist’ dinampot ng parak

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaking ‘exhibitionist’ matapos makunan ng video habang nagpapakita …

Gun Fire

Ex-CSU ng Malabon namaril ng sekyu

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang security guard matapos barilin ng dating kawani ng Malabon City …