Monday , March 16 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Reb Belleza Cecille Bravo Grace Poe Herbert Bautista

Reb Belleza mas gustong magpinta kaysa umarte 

MATABIL
ni John Fontanilla

MATAGUMPAY ang opening ng art exhibit  ng dating actor turn painter na si Reb Belleza sa Art Circle Cafe UP Bahay ng Allumni Diliman Quezon City noonh Aug. 7, 2023.

Espesyal na panauhin ni Reb at kasamang nag-cut ng ribbon sina Sen. Grace Poe, dating QC Mayor Herbert Bautista, celebrity businesswoman & philantropist Cecille Bravo.

Present din sa  art exhibit ang supportive mom ni Reb na si Divina Valencia at ang kanyang wife na si Vale Dela Riva- Belleza.

Suportado rin ito ng kanyang mga kaibigan sa showbiz na sina Hero Bautista, Rosanna Roces,  Maricel Soriano, Monching Guttierrez and Kids, Myla Gumila, Raoul Barbosa, Miguel Bravo, Jeffrey Dizon, DJ Janna Chu Chu atbp..

Ilang araw bago ang opening ng kanyang one man art exhibit ay nagkasakit si Reb at naospital, mabuti na lang at naging mabilis ang kanyang paggaling. Nagpapasalamat nga ito sa ina at asawa na inalagaan siya at hindi iniwan ng mga panahong siya ay may karamdaman.

Sa ngayon ay ang pagpipinta ang nagsisilbing bread and butter ni Reb na iniwan na ang pag-arte at nag-focus na sa pagpipinta. Kapag nakabenta siya ng kahit isang painting ay ito ang ipinantutustos sa kanilang pang araw-araw na gastusin, kaya naman nagpapasalamat siya sa mga taong bumibili ng kanyang paintings.

Apat na paintings ang nabili ni Ms Cecille na nagkakahalaga ng P250,000.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Ricci Rivero Juliana Gomez

Ricci pinararatangang oportunista sa pakikipag-close kay Juliana

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRA naman ang basher ni PBA cager Ricci Rivero. Sa pinag-uusapan ding …

Janine Gutierrez

Janine ipinangalandakan Fake News pagbubuntis

PUSH NA’YANni Ambet Nabus GAYA ng ibang celebrities na natsismis na buntis nang dahil lang …

Lella Ford Boy Abunda Karla Estrada

Lella Ford proud Nepo Baby

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA si Lella Ford sa pagiging matapang at totoo. Sa programang Fast Talk ni kuya Boy Abunda, …

Dangal ng Pinas 2026

Coco, Jen, Dennis bibigyang parangal sa Dangal ng Pinas 2026

MATABILni John Fontanilla ISANG non-government at non-profit award giving body ang Dangal ng Pinas na ang misyon …

Ahtisa Manalo Alden Richards

Ahtisa inaming crush si Alden: he has a maamo face

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging beauty queen ay pinasok na rin ni 3rd runner …