Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jomari Yllana Abby Viduya Motorsport Carnivale 2023 Okada

Jomari at Abby dalawang beses ikakasal; Motorsport Carnivale 2023 umarangkada na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI isa kundi dalawang beses magpapakasal sina Jomari Yllana at Abby Viduya. Ito ang masayang ibinalita ni Abby nang makahuntahan namin ito sa paglulunsad ng Motorsport Carnivale 2023 sa Okada Manila na nagsimula kahapon.

Ang Motorsport Carnivale 2023 ay isang 5-day sporting event na inorganisa ng Yllana Racing at Philippine Rallycros Series sa tulong na ng Okada Manila.

Bagamat ayaw tukuyin ni Abby ang exact date, sinabi nitong ngayong Nobyembre unang magaganap ang kanilang kasal. “Yes, November. We’re going to Vegas. We’re gonna pulloff JLo (Jennifer Lopez) and Ben Afflex=ck wedding. Kasi gusto namin n kami lang dalawa at first.

“A few of our family members will be joing us there, like my daughter. My eldest daughter will be joining us in Vegas and some of Jom’s relatives,” sabi ni Abby.

At ang ikalawang kasalan ay magaganap next year sa Naga City.

“By next year or early 202, we will have our church wedding in Naga City, where his parents got married, in Penafrancia Church. We’re very happy that we’re finally taking this step,” nakangiting sambit pa ni Abby.

Ibinuking na Abby na si Jomari ang mas abala sa pag-aasikaso ng kanilang kasal. “It’s him. He’s making asikaso and all the plans. Actually in the beginning of the panning, sabi ko, ‘Sige ako na.’ Sabi niya, ‘No, magpi-freak out ka lang. let me, let me, ok,’”

Kuwento naman ni Jomari, “we’re very very happy. We doing everything together.

“Ako, okey na ako, gagarahe na ako. I’m doing what I love and I’m together with the one I love.”

Samantala, ang Motorsport Carnivale 2023 ang pinakamalaking motorsport event sa Pilipinas  na sa The Boardwalk ng Okada Manila gagawin.

Inaasahang magtitipon ng mahigit 50 racer papunta sa Tarlac at pabalik.

Iba pang mga highlight dito ay ang CART, na isang Car Meet in memory of Eduardo ‘Mang Ed’ del Rosario, ang founding father ng Cavite Auto Racing Team, na tinatayang magtitipon ng mga collector ng rare racing cars at motorsport gadgets, isang Autocross Race, na nagtatampok ng hindi bababa sa 150 kotse sa Linggo (Aug. 6), at may champagne popping pa.

Gaganapin ang awarding ceremonies sa Okada Manila sa Agosto 6 na tatanggap ng special award sina Richard Gomez at Matteo Guidicelli na parehong racing enthusiast.

Pangungunahan siyempre ito ni Jomari, na matagal nang mahilig sa karera, na umaasang maibabalik ang glory days ng mga motorsport sa bansa, bilang pagtukoy sa panahon kung kailan ginanap ang Philippine Grand Prix sa Maynila mula 1973 hanggang 1976.

Sabi nga ni Jom, gusto niyang hikayatin ang mga Filipino na yakapin ang mayamang kasaysayan ng Philippines motorsport sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng lahat ng mahihilig sa karera at panatiko sa isang komunidad.

Hindi na nga bago sa ganitong sport si Jomari, nanalo at nakapuwesto na siya sa ilang lokal na karera at siya ang first Filipino podium finisher sa Yeongam International Circuit sa South Korea noong 2014.

Siya rin ang principal driver ng pro racing team na Yllana Racing.

Naku mukhang talagang exciting itong motorsport na ito. Kaya watch na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …