Monday , January 6 2025
Nuclear Energy Electricity

NatGas kapalit ng coal bilang energy source, pasado na sa Kamara

PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang paggamit ng natural gas bilang kapalit ng coal sa paggawa ng koryente.

Ang House Bill (HB) 8456 o ang Philippine Downstream Natural Gas Industry Development Act, pangunahing akda ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ay magtatayo ng Philippine Downstream Natural Gas Industry (PDNGI) para sa mas malawakang paggamit ng mas ligtas at malinis na natural gas.

Kasama ni Romualdez dito bilang awtor ng panukala si dating House speaker Lord Allan Velasco, chairman ng House committee on energy.

“It’s high time that we enforce, implement, and use clean energy to mitigate the effects of climate change. We have to start now to veer away from the conventional but hazardous method of generating power, for the benefit of our future generation,” ani Romualdez, lider ng 312 miyembro ng Kamara.

Ang panukala ay naglalatag din ng mga polisiya upang mapalitan ng natural gas ang fossil fuel na ginagamit ng mga kasalukuyang planta.

Ilan sa mga may-akda ng panukala ay ang mga susunod na kongresista: Rodante Marcoleta, Yedda Marie K. Romualdez, Jude Acidre, Joey Salceda, Wilter Palma, Jurdin Jesus Romualdo, Harris Christopher Ongchuan, Maria Carmen Zamora, Shernee Tan-Tambut, Noel Rivera, Jonathan Keith Flores, at Ralph Recto.

Ayon sa HB 8456 ang Department of Energy ang mangangasiwa at magbabantay sa implementasyon ng PDNGI gayondin sa mga itatayo at operasyon ng natural gas pipeline at mga kaugnay na pasilidad.

               Ang panukala ay inaprobahan ng Kamara sa ikalawang pagbasa noong 30 Mayo 2023, bago ang break ng sesyon.

Ang paggamit umano ng coal ay mayroong masamang epekto sa kalikasan. Nakadaragdag din ito sa paglikha ng acid rain, smog, at haze na nagdudulot sa tao ng mga sakit sa baga.

Nasa 65 porsiyento ng koryenteng kailangan ng bansa sa kasalukuyan ay nalilikha gamit ang coal kaya itinulak ng maraming mambabatas ang pagpasa ng panukala upang dumami ang mga planta na gumagamit ng natural gas at mahikayat ang mga dayuhang negosyante na mamuhunan sa pagtatayo ng mga ganitong uri ng planta bansa. (GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

Bambol Tolentino POC

POC naghahanda para sa unang medalya sa Winter Olympics sa Harbin Games – Tolentino

MAGPAPADALA Ang bansa ng 20-miyembrong koponan sa ika-siyam na edisyon ng Asian Winter Games na …

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

Year End 2024 RTEC Meeting cum SETUP iFund Awarding Ceremony Showcases Progress and Innovation

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 concluded 2024 on a high note …

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

2024 SETUP PRAISE Awards Recognize Excellence in MSMEs Across Region 1

The Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 1 recognized the 2024 SETUP PRAISE …

Lipa students learn science storytelling basics

Lipa students learn science storytelling basics

By Ryan Spencer P. Secadron, DOST-STII “Effective storytelling is key to science writing,” this was …

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

Playtime celebrates milestone year with media thanksgiving event

PlayTime, the fastest-growing online entertainment games platform in the Philippines, announced its milestones at the …