Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Tries, pwede!

Nang tumaba at tumimbang ng 251 lbs
ALFRED  SARILI  ‘DI NAKILALA TUMANDA PA

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 MATINDI pala ang pinagdaanan ni Alfred Vargas nang madagdagan ang timbang at talagang medyo lumihis sa dating nakasanayan natin sa kanya, iyong mayroong matipunong katawan. Isa nga siya sa matatawag na hunk actor noong aktibong-aktibo pa siya sa paggawa ng pelikula.

Sa Youtube channel ng konsehal ng Distrito 5 ng Quezon City, ang Vargas Tries, pwede! inamin nitong bumaba ang kanyang self esteem at na-depress dahil tumimbang siya ng 251 lbs..

Anang konsehal sa unang episode ng kanyang YT channel, “May aaminin ako sa inyo, there was a time bumaba talaga ang self esteem ko, nagiba ang buhay ko. I was so depressed.

“Hindi ko nahalata isang umaga pagharap ko sa salamin kahit ‘yung sarili ko hindi ko nakilala ‘yung taong nasa salamin. And doon parang gumuho ang mundo ko and doon parang iyon ang pinaka-wake-up call ko. Unti-unti umabot na pala ako sa 251 lbs.”  

Sinabi pa ni Alfred na nag-iba ang buhay niya sa paglaki ng katawan niya. Nariyang na-feel niyang ang tanda-tanda na niya. 

“Dati kapag nasa mall ako ‘yung mga tao tatawagin ako at lalapit pa sa akin, ‘Papa Alfred’ tapos lately medyo lumaki na ako, ‘yung iba hindi na ako nakikilala tapos ‘yung iba naman nakikilala pa ako pero ang tawag sa akin Tito Alfred na. 

“So what’s funny about this hindi ko nahalata. Isang umaga pagharap ko sa salamin kahit sarili ko hindi ko nakilala ‘yung taong nasa salamin. And doon parang gumuho ang mundo ko and ‘yun ang pinaka-wake-up call ko. 

“Sabi ko dapat magbago ako and this time around nag-decide ako na I will not do this for vanity, I will not do this for projects, I will do this for my children and para maipakita ko sa aking mga anak kung gaano ko sila kamahal by trying to live the longest that I can. 

“From 251 lbs now I am 201 lbs,” sambit pa ni Alfred na tatlong taon pala niyang struggle ito sa kanyang buhay.

Kaya naman sinimulan ni Alfred ang pag-eehersisyo at ipinakita niya sa kanyang YT channel ang ilang ehersisyong nakatulong sa pagbaba ng kanyang timbang. Ito ang Parkour na sa tulong ni Ms Kate Robles, isang single mom na may katulad ding problema ni Alfred at coach Raven Cruz itinuro nila ang paraang ito.

Ang Vargas Tries, pwede! ay regalo ni Konsi Alfred kasama ang kapatid na si Cong. PM Vargas sa kanilang mga Solid Friendship na 18 taon na nilang kasama. Kaya ang tanong nila, “ready ka na ba? ACTV18…”

Sa kanilang YT channel ay pwedeng mag-request ang fans sa gustong ipagawa kay Alfred. Na sabi nga niya, marami na siyang nagawa. “Nasubukan ko na maging tatay on cam, at ngayon off cam na rin. Nasubukan ko nang maging sundalong diwata at naging sireno na rin at naging bayani na rin ako. Pati ang paglilingkod pinasok na rin natin. 

“Eh ano pa ba ang gusto n’yong i-try natin? Maging driver? O maging magsasaka? Maging teacher, maging barangay tanod? O maging talk show host. Pwede? 

“Samahan n’yo akong subukan ang iba’t ibang larangan dito lang sa ‘Vargas Tries, pwede? Pwede!’,” pag-imbita ni Alfred sa kanyang YT channel na every two weeks ay may bago silang upload. Pero sa mga susunod na buwan, linggo-linggo na tayong makakapanood ng mga latest sa magkapatid na Vargas.

Kaya ano pa ang hinihintay ninyo, sabi nga ni Alfred, click the button and share.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …