Sunday , November 17 2024
Jaguar Triple Crown Third Leg

Jaguar tagumpay sa Triple Crown Third Leg

MAYNILA – Iniuwing pinakapaboritong si Jaguar ang tagumpay sa Third Leg ng P3.5-milyong 2023 Philracom Triple Crown Series sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas, nitong Linggo.

Naibulsa ng Dance City mula sa Delta Gold progeny, pag-aari ni dating Pampanga Rep. Mikey Arroyo at sa ilalim ng pangangalaga ni Joseph Dyhengco, ang P2.1 milyon pagkatapos ‘pasyalin’ ang seven-length win.

Pinagharian din ni Jaguar ang second leg.

Mula sa pagsasanay ng dating jockey na si Dante Salazar at mahusay na sinasakyan ni Jeffril Zarate, ang kulay kastanyas na bisiro ay nanatili sa pang-apat mula sa simula habang sina Secretary, Istulen Ola, at Boat Buying nag-uunahang agawin ang pangunguna.

Sa kanyang pahayag nitong Lunes, ipinadama ni Philracom chair Reli de Leon ang pasasalamat para sa isang masayang pagtatapos ng linggo para sa bayang karerista kahit hindi kainaman ang panahon dahil sa pag-ulan.

“This is highlighted by the more than P86 million in sales over the last four racing days,” ani de Leon.

Nagsikap man si opening-leg winner La Trouppei (Brigand out of Betty H) sa ilalim ni Kelvin Abobo na halos kalahating milya ang pangunguna — hindi pa rin nagtagumpay sa walang makapipigil na si Jaguar.

Sa pagtatapos pumangalawa si Early Boating, kasunod si Istulen Ola at ang La Trouppei.

“No’ng naramdaman at narinig ko na si La Trouppei sa likuran ko sa medya-milya, dahan-dahan na rin ako nagpapalakas. Pero at that point, alam ko na lamang na ako kasi hindi naman niya laro ‘yun e (When I felt and heard La Trouppei behind me at the half-mile mark, I slowly increased my strength. But at that point, I just knew it was me because it wasn’t his game),” ani Zarate pagkatapos ng karera.

Samantala, nasungkit ni Prime Billing (Top Billing- Subprime) ang third installment ng P1.5-million 2023 Philracom Hopeful Stakes.

Pag-aari at pinalaki ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos, si Prime Billing ay may 2:06.8 oras sa 2000-m distance na mya mga bahaging 24’-23’-25-25-27’. Pumangalawa si Chrome Bell kasunod si Winner Parade at Glamour Girle.

Ang kabayo ni John Oliver Gianan na si Sky Story (Charge Now-Hookkaida) ay nanguna sa P1-million Philracom 3YO Locally-Bred Stakes. Pumangalawa si Light Bearer, kasunod ni Open Billing at Orange Bell. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Check Also

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Michael Concio, Jr Timur Gareyev

P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV

Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …

Xiandi Chua Philippine Aquatics Inc PAI

Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit

IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon

HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …