Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Andrea Brillantes Ricci Rivero

Andrea milyones ang nairegalo kay Ricci, mga gamit sa condo sa kanya nanggaling

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BUMAWI si Andrea Brillantes sa mga isiniwalat niya ukol sa dating karelasyong si Ricci Rivero. Nakatitiyak kaming marami ang mapapa-wow! maiinggit, o mate-turn off.

Pero tiyak kaming mas marami ang maiinggit kay Ricci dahil sa milyones daw na naibigay ni Andrea sa basketball cager dahil sa sobrang pagmamahal nito sa kanya. 

Sa interbyu ni Vice Ganda kay Andrea para sa Youtube channel ng una, roon niya lahat ibinuking ang mga bagay-bagay tulad ng halos lahat daw ng laman ng condo unit ng basketball player ay bigay at regalo niya.

Nasambit ni Andrea na umabot sa milyon ang pinakamahal na naibigay niya sa binata.

“Hindi po siya actually bagay…” ani Andrea. Rito’y sumingit magsalita ang kapatid ni Andrea at sinabing isang project iyon na isinama si Ricci na ibinawas ang talent fee ang aktres.

“Ganoon ako mag-love, eh,” katwiran ni Andrea.

At sabay sabing, “Kahit saan po wala akong pinagsisihan kasi nagmahal ako. Kung mayroon man akong pinagsisihan ay ‘yung mga bagay na nasabi kong masakit kasi aaminin ko hindi rin ako perfect na girlfriend lalo na’t bagets-bagets pa ako, may mga hindi magandang nagawa,” ukol sa kung pinagsisisihan ba ang nagawa.  

Nang matanong naman ni Vice kung nagsauli si Andrea ng mga iniregalo sa kanya ni Ricci, sagot nito, “Hindi! Sentimental po ako, eh.  Although ‘yung isa balak kong isanla kasi hindi ko na nakikita ang sarili kong susuutin ko.

“Kasi magkakapera pa ako kapag ibinenta ko, may pang-shopping pa ako. Bakit  ko pa  ibabalik. Ang gagawin lang din niya ibibigay din niya sa iba ‘yun, eh,” ani Andrea.

At dito nasabi ni Vice na, “Wala bang ini-require na isauli kasi ‘di ba hindi naman na tayo, baka puwedeng ibalik na lang natin?’”

“Kasi alam n’yo po Meme kapag kinuha ko lahat ng ibinigay ko sa kanya (Ricci) wala na siyang gamit sa condo niya? Hindi ko gagawin ‘yun!” nangingiting sambit ni Andrea.

Iginiit pa ni Andrea na, “Talaga ba iiyakan ko ‘yung lalaking hindi nagpapa-laundry ng isang taon!?”

‘Yun na! Kabog!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …