Monday , December 23 2024
Farmer bukid Agri

Para sa reintegrasyon sa lipunan
PDLs AGRO-INDUSTRIAL PROJECTS NG PALASYO

SASANAYIN sa agro-industrial projects ng gobyerno ang mga persons deprived of liberty (PDL) o mga detenido sa mga kulungan sa bansa.

Kabilang sa isasama sa programa ng gobyerno ang mga PDL para bigyan ng pagkakataon ang kanilang potensiyal sa gawaing bukid dahil gagamitin ang malalawak na lupain ng Bureau of Corrections (BuCor) para sa pagpapaunlad ng agrikultura.

Naging saksi si President Ferdinand R. Marcos, Jr., sa ceremonial signing of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Agriculture (DA) nitong nakaraang Huwebes, 13 Hulyo, sa pamamagitan ng Bureau of Plant Industry (BPI) at ng Department of Justice (DOJ) sa pamamagitan ng BuCor para sa implementasyon ng DA-DOJ Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) Project.

Layunin ng nasabing programa na muling isama ang mga taong pinagkaitan ng kalayaan sa lipunan sa pamamagitan ng gawaing bukid.

“Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa mga aktibidad na ito sa pagpapalaki ng kapasidad, hindi lamang tayo nakatutulong na palakasin ang produksiyon ng pagkain kundi binibigyan din natin ang ating mga PDL ng mga pagkakataong matanto ang kanilang potensiyal para sa positibong pagbabago at para sa repormasyon,” ani Marcos.

Ang RISE Project, na nilagdaan sa Malacañang ay magbibigay ng suporta sa PDLs habang pinagbubuti ang kanilang mga kasanayan sa agrikultura at inire-rehabilitate ang taniman ng BuCor at mga penal farm.

Ang Iwahig Prison and Penal Farm sa Puerto Princesa City, Palawan ay magsisilbing pilot site ng RISE Project dahil sakop nito ang mga lupaing taniman na sumasaklaw sa halos 28,700 ektarya ng lupain na nahahati sa apat (4) na zone o distrito: Central Sub-Colony (3,824). ha), Montible Sub-Colony (6,932 ha), Inagawan Sub-Colony (11,162.54 ha) at Sta. Lucia Sub-Colony (6,870 ha)

Naglalayong magpatupad ng mga agro-industrial project ang programa sa pamamagitan ng pagbabago ng mga lupain at mapagkukuhaan ng mga produktibong kampo ng agrikultura o mga sentro ng produksiyon ng pagkain.

Layunin nitong pahusayin ang food security ng bansa, bigyan ang mga person deprived of liberty (PDLs) ng angkop na pagsasanay para sa paghahanda sa kabuhayan at reintegrasyon sa lipunan, mapadali ang rehabilitasyon sa pamamagitan ng pagsasanay sa produksiyon ng agrikultura, horticultural therapy, at vocational gardening sa ilalim ng Work and Livelihood Program ng BuCor.

Ang programa ay naglalayong mapabuti ang sapat na pagkain ng mga PDL at mga miyembro ng komunidad, nutrisyon ng pagkain at kalidad ng pagkain na napapanatili sa buong taon na pag-ani ng mga prutas at gulay.

Pinasimulan nito ang pilot technology ng National Urban and Peri-Urban Agriculture (NUPAP) ng DA at ang High-Value Crops Development Program (HVCDP) na mga interbensyon at sistema ng pamamahala na maaaring gayahin sa iba pang pasilidad ng BuCor sa buong bansa.

Gayondin, ang programang ito ay tumutugon sa mga hamon na kinakaharap ng sektor ng agrikultura at ang potensiyal na epekto ng El Niño, na nagbabanta sa seguridad at pagpapanatili ng pagkain.

Ang programa ay umaayon sa panawagan ng Pangulo para sa isang whole-of-nation approach upang matugunan ang mabibigat na isyu ng bansa na nakasaad sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong nakaraang taon.

Ang memorandum of agreement para sa RISE Project ay nilagdaan ni Agriculture Undersecretary Domingo Panganiban, Justice Undersecretary Raul Vasquez, BuCor director General Gregorio Pio Catapang, Jr., at Bureau of Plant Industry director Gerald Glenn Panganiban. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …