Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bianca Lapus Claudine Barretto Rico Yan Sabrina M

Hindi ko siya pag-aaksayahan ng pera—Claudine kay Sabrina M.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI ako mag-we-waste ng money at oras para idemanda si Sabrina dahil hindi ko kilala si Sabrina M.”

Ito ang ibinahagi ni Bianca Lapus nang makahuntahan namin ito pagkatapos ng presscon ng paglulunsad ng Hiraya na ginanap sa Music Box kahapon ng hapon nang matanong ukol sa napabalitang magdedemanda si Claudine Barretto ukol sa isiniwalat ni Sabrina M sa relasyon niya kay Rico Yan.

Isa sa bestfriend ni Claudine si Bianca at natanong ng huli ang una bago ang presscon niya sa Hiraya kasama ang may-ari nitong si Direk Chaps Manansala gayundin ang mga kasamahang aktor rito na sina BJ Tolits ForbesMarvien Maalona, JP Sumucad, James Lomahan, Ethyl Anne Osorio, at Paul Jake Paule.

Ani Bianca, “Actually sinabi ko sa kanya na may presscon ako. Sabi ko ‘baka tanungin ako about you kasi alam nila I’m one of your bestfriend, bigyan mo ako ng sagot.’ At sabi lang nya sa akin, ‘hindi siya magwe waste ng money at oras para idemanda si Sabrina dahil hindi niya kilala si Sabrina. 

Actually nagtawanan lang kami nang may lumabas na issue (pag-amin ni Sabrina na nagkaroon sila ng relasyon ni Rico na umabot ng 2 taon).

“Si Katrina (Paula, na kaibigan ni Sabrina M na hindi naniniwala) naman ay hindi rin niya kilala. Nagkataon lang na nagkasama sila sa isang eksena sa movie na ginagawa niya ngayon.

“Parang nagkadugtong-dugtong lang ang lahat, very coincidental ang pagmi-meet nila (Katrina),” pagbabahagi pa ni Bianca.

Nang matanong si Bianca kung na-shock si Claudine sa rebelasyon ni Sabrina, “more on na natawa siya. ‘Totoo ba?’ Kasi ‘yung timeline kasi hindi naaayon sa…maaaring magkakilala sila pero, what relasyon for 2 1/2 years is really impossible.”

Sinabi rin ni Bianca na natatawa at naiinis din daw si Claudine sa tinuran ni Sabrina na alam ni Claudine ang naging relasyon niya kay Rico.

Sabi raw ni Claudine, “‘Paano ko malalaman eh, siya nga hindi ko kilala.”

“At saka ako naman as a friend din (of Claudine) I have nothing against Sabrina M. Whenever I see her medyo acquinted naman ako sa kanya, mabait naman siya. Pero ‘yun lang as a friend and a loyal friend of Rico and Claudine, bakit niya idinamay pa sila? ‘Wag na sana gamitin ang name nila. ‘Yun din naman ang ayaw ni Claudine na idinadamay pa ang name niya lalo na ni rico na tahimik na.

“So hindi po totoo na magpa-file siya ng kaso dahil ‘yun nga hindi niya kilala,” giit pa ni Bianca. 

Saan kaya nanggaling ang balitang demanda?

“Ang alam ko ang parang napag-usapan, parang ang  family ni Rico ang nag-iisip (demanda). Narinig ko lang po ito, na kapag tuloy-tuloy pa ang tsika ni Sabrina tungkol kay Rico, roon na sila gagawa ng aksiyon. Hindi si Claudine.

“Pero sinabi rin ni Claudine na kapag hindi rin nag-stop sa pagdawit sa kanya, baka mayroon siyang gawing move. Pero right now, ang status niya, she’s not gonna waste money and time para idemanda niya (Sabrina M).”

At para naman kay Bianca na nakasama at ka-batch si Rico, alam niya ang relasyon nito kay Claudine kaya hindi siya naniniwala sa tinuran ni Sabrina M. “Pwedeng magkakilala pero mahirap pa rin, sa timeline eh,” sambit pa ng theater aktres na bida sa New Yorker in Tondo ng Hiraya at kasama rin sa Sinadasal, Frog Prince, Tatlo Buo at iba pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …