Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kakai Bautista SPEED Rhea Tan

Kakai Bautista kay Rendon Labador: Mukha talaga akong pera

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MUKHA talaga akong pera. Sino bang hindi mukhang pera? Naku lahat ng tao mukhang pera. Jusko hindi tayo makakakain kung wala tayong pera. Ano ‘to, ‘di ba?”

Ito ang sagot ni Kakai Bautista sa patutsada sa kanya ni Rendon Labador.

Rendon Labador Kakai Bautista

Sinabihan kasi siya ng motivational speaker at social media personality na hindi na nga maganda, mukha pa siyang pera.

So, depende ‘yun sa tao kung hanggang saan ‘yung pagiging mukhang pera niya. Kung gagamitin niya ba ‘yun sa masama o mabuti. ‘Di ba mukha akong pera kasi maraming umaasa sa akin at marami akong gustong matulungan lalo na ‘yung family ko,” sambit pa ni Kakai nang makausap namin sa Beautederm Headquarters sa Angeles, Pampanga sa bonding ng SPEEd at may-ari ng Beautederm na si Ms Rhea Anicoche-Tan.

Kakai Bautista SPEED Rhea Tan 2

Siyempre ‘di ba, uunahin natin ‘yung pamilya natin ‘di ba. Kapag marami kang pera, marami kang mapapasaya. Totoo ‘yan ‘di ba?” aniya pa.

Dream natin ng maraming work. Ako work work lang talaga ako. Roon tayo sa kung saan may work doon tayo. Happy naman ako, eh,” sabi pa ng biriterang komedyana na ‘hinila’ ni Ms Rei kasama si DJ Jhaiho para sa isang bonggang impromptu mini-concert na pasorpresa ni Ms. Rhea sa grupo ng mga editor.

Ibinahagi  rin ni Kakai na naibili na niya ng sariling bahay ang mga magulang sa Laguna, “Two years ago pa tapos ‘yung isang mala­king good achievement ko this year na nakabili na rin ako for myself. Diyan lang sa tabi-tabi.

“So happy na ‘ko at least ‘di ba, inuna ko muna ‘yung family ko bago ako,” sambit pa ni Kakai.

Samantala, isa si Kakai sa mga favorite Beautederm ambassador ni Ms. Rhea dahil bukod sa mabait at talentado napakasipag ding mag-promote.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …