Sunday , October 1 2023
Nap Gutierrez Mario Dumaual

Nap Gutierrez maagang nanawa sa kontrobersiya

HATAWAN
ni Ed de Leon

DALAWANG personalidad sa telebisyon ang yumao sa linggong ito.

Nauna rito si Nap Gutierrez na isa sa unang-unang television host ng mga showbiz talk show at kasunod naman ang itinuturing na dekano ng mga entertainment Journalists ng telebisyon, si Mario Dumaual ng ABS-CBN.

Nalungkot ang insdustriya sa magkasunod na pagpanaw ng dalawa, si Nap ay naaalala bilang isang sports peronality din at siyang tumayong mnanager noon ni Alvin Patrimonio, bukod nga sa pagiging isang entertainment journalist din. Pero mabilis na napagod si Nap kaya nag-retire siya nang napakaaga. Tumigil siya sa telebisyon at matapos ang ilang panahon pati ang pagsusulat ay itinigil na rin niya. Sa isa naming pagkikita, nasabi lang niya sa amin na, “sawa na ako sa controversy.” 

Si Mario mas detailed ang mga huling araw. Inatake siya sa puso at naisugod naman agad sa Heart Center. Agad naman daw siyang isinailalim sa angiogram, at angioplasty. Mabuti naman ang kanyang reponse na ibig sabihin ok na kung hidi nagkaroon ng viral infection, kalat na iyon sa kanyang katawan nang hindi niya nalalaman. Nakalabas na siya sa ICU, pero nang nasa private room na siya at saka sinabi na nagkaroon siya ng infecion, may nasagap siyang virus. Iyon ang nagpalala ng kanyang kalagayan. Sinabi pang ang virus ay siyang nagdala ng fungal infection sa kanyang katawan na lumason sa kanyang dugo. Kaya sinasabing ang ikinamatay niya ay septic shock.

Nagtanong-tanong kami sa mga doktor kung ano iyang fungal infection na sinasabi. Isang doktor ang nagpaliwanag sa amin na talaga palang nakamamatay iyang fungal infection. Karaniwan daw nakukuha lang iyan sa mga ingrown nails sa paa, na kung hindi maaagad ay pamamahayan ng fungus na kumakalat sa buong katawan. Wala kang makikitang marka o sugat dahil sa loob ng katawan iyan pumapasok at kumakapit na sa iba’t ibang bahagi ng internal organs. Ang isang taong makapitan niyan kung hindi raw masusugpo ang virus ay maaaring mamatay sa loob ng sampu

hanggang 15 taon lamang. May suspetsa nga siya na baka hindi nakuha ni Mario ang infection pagkatapos ng atake, maaaring ang virus daw ang naging dahilan ng kanyang heart attack. Isipin mo iyong ganoon kasimple na nagkaroon ka ng ingrown nails nagpa-pedicure, nasugatan simula na pala iyon ng fungal infection na tiyak na papatay sa iyo sa loob ng sampu hanggang 15 taon lang. Mahal ang mga gamot at

wala ring katiyakan.

Sinasabi nga namin iyang mga doktor, mga gamot, at kung ano-anong pamamaraan ng pagpapagaling, iyan ay tulong lamang. Ang Diyos pa rin ang nagbibigay sa atin ng kagalingan. Ang Diyos pa rin ang pinakamahusay na manggaggamot. Dahil siya ang gumawa ng tao, siya ang nakaaalam ng lahat ng maaaring maging poblema sa katawan ng tao at nasa kanya rin ang solusyon sa lahat ng mga problemang iyan. Kaawaan nawa tayo ng Panginoong Diyos. 

Si Mario ay nabigyan ng pagpapahalaga nang isama siya sa Walk of Fame Philippines ni Kuya Germs, at nang parangalan siya ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd nang ipagkaloob sa kanya ang Joe Quirino Award.

About Ed de Leon

Check Also

Carla Abellana Marian Rivera Maine Mendoza Pilo Pascual

Piolo, Maine, Marian gustong makatrabaho ni Carla

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang pag-welcome ng All Access to Artist kay Carla Abellana na maging isa sa …

Bong Revilla

Birthday party ni Bong pinutakti ng mga politiko at artista

COOL JOE!ni Joe Barrameda BONGGA ang birthday celebration ni Sen Bong Revilla sa Grand Ballroonm ng Okada …

Carla Abellana All Access to Artists AAA 2

Tom handang harapin ni Carla — Hindi naman ako parang magpa-panic or matatakot 

RATED Rni Rommel Gonzales DERETSAHANG sinagot ni Carla Abellana ang mga tanong sa kanya tungkol sa dating …

Innervoices

Innervoices nag-boom ang music career dahil sa socmed

RATED Rni Rommel Gonzales NANINIWALA ang bandang Innervoices na dahil sa pag-boom ng social media platforms ay …

Sikat na loveteam ‘di pa man umaamin hiwalay na

MA at PAni Rommel Placente TOTOO kaya itong nakarating sa amin na umano’y hiwalay na …