Sunday , December 22 2024
DzMM DWPM Prime Holdings

DzMM nakabudol sa Prime Holdings

HATAWAN
ni Ed de Leon

NAKABUDOL iyong dzMM, ngayon sila ay DWPM na dahil ang majority daw ng stocks ay nabili na ng Prime Holdings ni Speaker Martin Romualdez. Pero ng management, personnel, at programming ay patatakbuhin pa rin ng mga Lopez. Nakuha rin nila ang dati nilang freqency na 630 KHZ. Parang budol lang. 

Ano nga kaya ang masasabi ngayon ng mga kongresista na bumoto laban sa pagbibigay sa kanila ng bagong prangkisa dahil sa mga kadahilanang hindi nila masagot? Ngayon maliwanag na rin na hindi na kailangan ng congressional franchise

dahil nakakapagpalusot din pala. Hindi kami magtataka kung ang kasunod na mangyayari, sasabihin din nila na naibenta na nila ang ABS-CBN sa mga Villar at iyong Channel 2 ay tatawagin nilang All Kapamilya Channel na. Lalabas na majority ang mga Villar pero ang management at personnel, at ang buong operations ay sa ilalim pa rin ng mga Lopez.

Ganyan din ang deal nila noon sa network ni Tony Carandang hindi ba. Kunwari nagba-block time lang sila iyong ASMCARA pero ang totoo nasa kanila ang full control ng estasyon. Mukhang dummy lang si Carandang na dati naman nilang tauhan.

Eh iyang mga Villar negosyante iyan. Baka bumigay na rin iyan kaysa nakatengga ang pera nila sa isang tv station na hindi naman nila alam i-operate.

About Ed de Leon

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …