Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ricci Rivero Andrea Brillantes

Ricci ibinuking pagli-live-in nila ni Andrea

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

THERE are times we do sleep together,”  ito ang sinabi ni Ricci Rivero bilang tugon sa katanungan ni Boy Abunda ukol sa kung totoo bang nag-live-in sila ng dating girlfriend na si Andrea Brillantes.

Sa part-2 ng guesting ni basketball cager sa show ni Kuya Boy, ang Fast Talk with Boy Abunda, inamin ng una na nag-live-in sila ni Andrea. 

Tsika pa ni Ricci, may basbas ng kani-kanilang pamilya ang desisyon nilang magsama. Pero iginiit ng aktor/player na hindi naman iyon naging permanente.

 “From time to time we do (magkasama), pero ang gusto ni Tita (nanay ni Andrea) is for her to go home rin.

“At ‘yun din naman ang sinasabi ko na ayoko rin na at this early age, (sinasabi ko sa kanya). ‘Gusto ko mag-focus ka rin sa industry mo, sa work mo, sa goals mo. Ako, kailangan ko rin mag-focus sa akin,’” pagbabahagi ni Ricci.

“Pero there are times that we do sleep together,” ani Ricci at sinabing minsan ay umuuwi siya sa bahay ni Andrea at kung minsan ay ang dalaga naman ang umuuwi sa condo niya.

Nang matanong naman ni Kung Boy kung ano sa tingin niya ang mararamdaman ni Andrea sa pagsasalita niya sa national television bilang pagtatanggol sa sarili at protektahan ang kanyang pamilya laban sa mga basher at hater.

“Knowing her, malulungkot. I am hoping na hindi siya magalit. Kasi, I am just stating naman ‘yung side ko. ‘Yung totoong nangyari sa side ko.

“Kasi ang naririnig lately sa ibang shows or whatsoever, ‘yung side niya. ‘Yung akin, tina-try ko talaga na hindi magsalita dahil ‘yun naman ang usapan namin.

“I am trying talaga, pero sobra na talaga siguro para sa family ko,” giit pa ni Ricci.

Sa tanong ni Kuya Boy na “Did you try to win her back?” sagot ni Ricci, “No. For the longest time, I was trying not to give up on the relationship, and sabi ko, for me to give up, siguro sobrang puno na.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …