MANILA—Pinagharian ni Boss Emong ang katatapos na 452nd Araw ng Maynila ‘Gran Copa De Manila 2023’ nitong weekend sa Metro Manila Turf Club sa Malvar/Tanauan, Batangas.
Saksi si Mayor Honey Lacuna-Pangan sa liksi ng kabayong si Boss Emong na pag-aari ni Kennedy Morales at pinalaki ni Antonio Tan Jr. kung saan ay hinarurot agad nito ang unahan.
Agad kinapitan si Boss Emong ni Life Gets Better at binuliglig ito hanggang sa huling 800 metro ng karera. Pero hindi natinag sa unahan ang nagwaging kabayo na umungos ng bahagya pa-far turn.
Ang pitong taong gulang na gray charger ng Dance City mula sa Chica Una na sinakyan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate ay nanalo sa karera sa 1:39 flat na may quarters ng 25-22′-24-27.
Pumangalawa naman ang Don Julio (Adios Reality-Guatemala) ni Engineer Jun Sevilla, kasunod sina Jungkook (Low Profile-Liquid Oxygen) at Magtotobetsy (Zap out of Will Soon).
Samantala, ang Cluster (Hakassan-Local Color), na pagmamay-ari din ni Sevilla at pinalaki ni Joseph Duhengco, ang namuno sa Division 2 matapos magtala ng 1:40.6 (25′-23′-23′-28) para talunin si Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr .’s Prime Billing ng isang haba sa wire.
Pangatlo at pang-apat sina Badboy MJ at Boat Buying, ayon sa pagkakasunod.
“This was a collaborative effort between the city government of Manila and the Philracom (Philippine Racing Commission) to make this event a very successful one. Nandito din po ‘yung ating mga city government official, mga department head, mga barangay official na nagpunta rito mula sa Maynila para lamang suportahan ang culminating event sa pagdiriwang ng araw ng ating lungsod,” sambit ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan.
Dumalo rin sa kaganapan sina Vice Mayor Yul Servo Nieto, dating alkalde ng Maynila Isko Moreno Domagoso, Third District Rep. Joel Chua, at mga konsehal ng anim na distrito ng Maynila, na ginanap sa ika-452 anibersaryo ng pagkakatatag ng kabiserang lungsod.
“Congratulations to the bayang karerista at naibabalik na ang taon-taong Gran Copa de Manila na inaabangan ever since kahit nung bata ako. I’m proud of Mayor Honey Lacuna na naibalik itong celebration na ito,” ani Domagoso, kung saan ginanap ang Division 2 event.
“Ito ay isang magandang araw ng karera” pahayag naman ni Philippine Racing Commission (Philracom)chair Aurelio “Reli de” P. Leon na nagpasalamat sa mga opisyal ng Maynila sa pagpapasaya ng mga tagahanga at ng bayang karerista. (MARLON BERNARDINO)
Check Also
Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23
QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …
4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre
SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …
P.1-M nasungkit sa Armageddon tie-break
FILIPINO IM CONCIO GINULAT SI UZBEK SUPER GM GAREYEV
Oroquieta City — Nagpamalas ng husay si International Master Michael Concio, Jr., ng Filipinas sa …
Chua, nakahirit pa sa World Cup, 3 bagong marka ng PH nakamit
IBINIDA ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ang matikas na pagtatanghal ng National Team nitong weekend …
PVL All-Filipino nangako ng balance at matinding kompetisyon
HABANG ang Premier Volleyball League ay naghahanda para sa pagsisimula ng All-Filipino Conference sa Nobyembre …