Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Sylvia Sanchez Art Atayde Namanhikan

Arjo namanhikan na sa pamilya ni Maine; Buong angkan ng Atayde sumuporta

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAMANHIKAN noong Linggo si Cong. Arjo Atayde sa kanyang fiancée na si Maine Mendoza

Sa nakita naming post ni Sylvia Sanchez sa kanyang social media account, present ang lahat ng kanilang pamilya gayundin ang mga pinsan, lolo’t lola ni Arjo. In other words, parang lahat ng buong angkan ni Arjo ay sumama para bigyang suporta ang konsehal/aktor.

Ibinahagi rin ni Sylvia ang isang video ng pagpunta ng kanilang pamilya sa bahay nina Maine na tinatawag na “Casa Mendoza.”

Arjo Atayde Maine Mendoza Sylvia Sanchez Art Atayde Namanhikan 2

Hindi namin agad nahulaan ang unang post ni Ibyang na naka-private plane at may caption na, “Off to a very important destination, @mainedcm @arjoatayde.” At hindi namin napansin ang mga hashtag na #casamendoza, #pamamanhikan, #AtaydeMendoza, #family, #happiness, at #thankuLORD.

Pagkaraan ay nakita pa namin ang post na kasama ni Angelica Panganiban sina Sylvia at Papa Art Atayde sa binyag ng anak niya kaya buong akala nami’y iyon ang tinutukoy ni Ibyang.

Hanggang sa makita namin ang ikalawang video post na mapapanood ang papasok sa isang kalye ng mga nakahilerang SUVs na nilagyan ni Sylvia ng caption na, “The Very Important destination (heart emoji).”

Sa parteng ito’y dialogue si Sylvia ng, “Andito lahat ng kotse ng Atayde.”

Nasa video rib si Maine habang lumalabas sa kanilang bahay at lumapit sa sinasakyan nina Arjo at ng kanyang pamilya.

Agad na pagbati ni Sylvia, “Menggay,” na pagtukoy kay Maine. “Nakarating na rin kami sa wakas. Bababa na ako at magkikita 

na tayo riyan.” 

Marami pang post ang ibinahagi si Sylvia kaya hindi pa namin mahingan ng detalye kung kailan nga ba magaganap ang kasalang Arjo-Maine. 

May nagsasabing ngayong July na magaganap ang pinakaabangang wedding ng celebrity couple subalit wala pang pag-amin kay Maine nang minsang makahuntahan namin ito.

Ang tiniyak kabg ni Maine, magiging ninong nila ni Arjo ang TVJ, o sina Tito at Vic Sotto at Joey de Leon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …

Will Ashley Odette Khan Bar Boys 2

Will Ashley natulala kay Ms Odette: Sobrang goosebumps, gusto ko pagtanda ko ‘yun ako

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PURING-PURI ni direk Kip Oebando si Will Ashley dahil sa galing nitong umarte at nagampanan …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …