Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jaclyn Jose Deadly Love

Jaclyn nakaranas ng matinding takot at bangungot sa pag-ibig

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

HINDING-HINDI raw  malilimutan ni Jaclyn Jose ang naging buhay niya nang makarelasyon ang isang tao na nagbigay sa kanya ng matinding takot at bangungot. Naibahagi ito ng premyadong aktres nang matanong kung may experience na ukol sa deadly love.

Hindi na binanggit ni Jaclyn ang pangalan ng taong tinutukoy niya at sinabing gumawa siya ng paraan para makatakas sa taong ‘yun.

“Oo, naka-experience ako. Nakatatakot na kabanata sa buhay ko regarding love. Deadly love talaga, but it’s all done now, everything’s done. Maraming-maraming panahon na ang nakalipas so, naka-recover na tayo, but it happened to me,” pagbabahagi ni Jaclyn.

It was very, very scary but kailangan mong tumakas at nakatakas naman.

“It’s a matter of life and death. Parang U.S. visa lang, ‘no? Aalis ka na, tatapusin mo na.

“Ayoko nang i-elaborate kung anong klase but it’s a matter of life and death in any form,” aniya pa.

Tiyak na mapupukaw ang interes ng netizens sa bagong seryeng tututukan mula sa Viva One, ang Deadly Love na idinidirehe ng international award-winning director na si Derick Cabrido (Clarita, Children’s Show, U-Turn) at pinagbibidahan ni Louise Delos Reyes, na iikot sa buhay niua na binabalot ng misteryo at panganib.  

Masayang ipinakilala ni Tessa ang kanyang nobyo na si Amir (Marco Gumabao) sa kanyang tatay na si Julio (Raffy Tejada) at nanay na si Marga (Cannes Film Festival Best Actress Jaclyn). Pero pagkatapos nito ay bigla na lamang naglaho si Amir.

Si Benjo (McCoy De Leon) ang pulis na naatasang mag-imbestiga sa kaso at nakagigimbal ang natuklasan niya: hindi tunay na pangalan ang ginagamit nina Julio at Marga, at dati silang mga hired killer. Ngayon, sila ay pinapapatay ng kanilang dating boss, at si Amir ang pinaghihinalaan nilang inutusan. Sa pagkawala ni Amir, maaaring sila ang may kagagawan.

Ayaw paniwalaan ni Tessa ang sinasabi ng lahat na patay na si Amir. Determinado siyang hanapin ito at protektahan laban sa kanyang mga magulang.

Sa patong-patong na lihim at kasinungalingan, sino ang mapagkakatiwalaan ni Tessa? Talaga bang ligtas siya kay Benjo? Minahal ba siya ni Amir? Dapat ba niyang kamuhian o patawarin sina Julio at Marga? At kung sila nga ang kanyang mga tunay na magulang, may kakayanan din ba siyang kumitil ng buhay?

Ang Deadly Love ay binubuo rin nina Simon Ibarra, Arvic Tan, Bob Jbeili, Andrew Muhlach, Pamela Ortiz, at Harriette Damole. Ito ay katha at isinulat ni Enrico C. Santos.

Alamin ang malagim na katotohanan. ‘Wag palampasin ang premiere ng Deadly Love  sa July 10, 2023 sa Viva One, bagong episode tuwing Lunes.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …