Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vince Rillon Jay Manalo Angel Moren Denise Esteban Ali Asistio Alexa Ocampo Hosto

Vince nakiliti sa bigote ni Jay, kinilig sa maiinit nilang eksena

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KUNG gaano kainit ang venue na pinagdausan ng screening ng Hosto ganoon din kainit ang mga tagpong napanood namin sa pelikulang pinagbibidahan nina Vince Rillon, Angel Moren, Denise Esteban, Jay Manalo, Ali Asistio, at Alexa Ocampo.

Umpisa pa lang ng pelikula pasabog na agad ang lampungan nina Vince at Jay na in fairness hindi ang galing-galing nilang dalawa. 

Ayon sa kuwento ni Vince, nakiliti at kinilig siya sa eksena nilang iyon ni Jay.

“Nakiliti ako sa bigote ni Jay. Sinabihan ko nga siya na alisin iyong bigote niya at sabi niya nag-ahit na siya. 

“Pero sabi ko, bakit ganoon, parang mayroon pa rin. Nakakakiliti pa rin.

“At pagdating ni Kuya Jay sa shoot, bakla na siya, ganoon pala siya, ready na talaga siya agad. Akala ko nagti-trip lang siya, pero ganoon pala talaga. 

“Hindi pa nagte-take nilalandi na niya ako sa kama,  inaamoy-amoy na niya ako, ’hmm’ sabi niya tapos inaamoy-amoy na niya ako. Tapos sinabihan pa ako ng, ‘naka-experience ka na ba ng ganito?’ 

“Tapos ayun na nga sabi niya acting lang iyon, at sinabihan ako ng, ‘hayaan mo lang ako,’ kaya ayun sabi ko ‘sige kuya’ kaya naman inalalayan na niya ako,” pagbabahagi ni Vince sa isinagawang media conference ng Hosto na mapapanood na umpisa June 16 sa Vivamax

Sinabi pa ni Vince na, “Kinikilig kilig ako sa eksena naming iyon, kasi totoo iyon. Wala ngang pakialam si Kuya Jay kahit pawis na pwis na siya habang ginagawa namin iyong eksena namin,” sabi pa ni Vince. 

Anyway, ang pelikula ay isang family drama na iikot ang istorya ukol sa isang hosto na gagawin ang lahat para sa kanyang mag-ina. 

Sa pelikulang Hosto, muling gagampanan ni Vince ang isang challenging role.  Si Vince ang itinanghal na Best Actor sa 19th Asian Film Festival sa Rome noong nakaraang taon para sa kanyang pagganap sa Resbak na idinirehe ni Brillante Mendoza. 

Si Patrick (Vince) ay mapagmahal na asawa kay Jenny (Alexa), pero magkakaroon ng ugnayan sa isang gay benefactor na si Daniel (Jay) na tutulong sa kanya para makakuha ng student visa sa Japan. Ito ang unang hakbang para matupad niya ang pangarap para sa kanyang pamilya. 

Sa Japan, maraming bagay ang pinagsasabay ni Patrick. Eskwela sa umaga, trabaho sa computer shop sa hapon. Kumuha rin siya ng ikalawang trabaho na pagpapala ng niyebe. Sa kabila nito, hindi pa rin sapat ang kinikita para matustusan ang pangangailangan ng pamilya niya sa Pilipinas. 

Hindi nagtagal at pinasok na rin niya ang pagiging entertainer o “hosto” sa nightclub, kasama ng kanyang bagong kaibigan na si Richard (Ali). May mga customer na gusto siyang ikama, pero ganoon na ba siya kadesperado sa pera para tanggapin ang alok nilang ito?  

Si Thea (Angela) ang maalaga, matalino, at matulunging Pinay na nakatira rin sa hostel ni Patrick ang taong napagsasabihan niya ng problema. Isa nang Japanese citizen si Thea at may itinatagong pagtingin kay Patrick. Hindi naman inaasahan ni Patrick ang solusyong naisip ni Thea sa kanyang problema.

Mula sa direksiyon ni Jao Daniel Elamparo, mapapanood ang Hosto sa Vivamax simula June 16, 2023.  Kasama rin dito sina Isadora, at Rey PJ Abellana.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …