Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sheryn Regis Mel de Guia

Sheryn all out sa relasyon nila ni Mel, naka-survive sa thyroid cancer

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKAKIKILIG ang istorya nina Sheryn Regis at Mel de Guia kung paano nag-umpisa  ang kanilang love story.

Nasundan pa iyon kung gaano sila kapwa ka-proud sa isa’t isa dahil all out talaga ang magaling na singer para ipakilala si Mel na isa sa mga producer ng kanyang upcoming concert na gaganapin sa Music Museum sa July 8.

Pag-amin ni Sheryn, malaking blessing ang pagka-come out niya bilang member ng LGBTQ gayundin ang pagdating ni Mel sa kanyang buhay na tanggap na tanggap ng kanyang pamilya.

I’m flaunting. I’m very open now kasi alam ko na nandiyan ang support ng family ko. Minsan pala, na muntik ka nang mamatay, you treasure the moment.

“Doon mo ma-feel na you have to treasure everything, who’s in front of you, who’s beside you. That’s why I’m flaunting everything at na-express ko lahat ng nasa damdamin ko. I’m happy that I have a happy heart,” ani Sheryn sa mediacon ng kanyang 20th anniversary concert, All Out Sheryn Regis.

Naibahagi rin ni Sheryn ang pakikipaglaban niya sa thyroid cancer noong 2016. Aniya, itinuturing niyang himala ang kanyang paggaling at nabigyan ng pangalawang pagkakataon para mabuhay.

This is another chance for me in life after I survived thyroid cancer. Akala ko talaga hindi na ako makakakanta. Ipakikita ko sa inyo na kayang-kaya ko pa. The show will be a story of my journey and the songs that we shared for 20 years.

“Akala ko after surgery mawawala ang boses ko eh. Hindi pala. Pwedeng mag-change but hindi siya nawala. Matigas talaga ang ulo ko na after three weeks kumanta po uli ako.

“Pwede siyang bumuka pero sabi ko ‘Lord, ikaw na bahala.’ Scientifically, what I’m doing is wrong but my faith is still there. This is a miracle of life,” masayang pagbabahagi ni Sheryn.

Sabi nga ni Sheryn para nga raw tumaas pa ang timbre ng boses niya na napansin niya nang mag-record siya ng Gusto Ko Ng Bumitaw.

Akala ko hindi ko na kaya pero mas tumaas pa pala. Nag-iba ‘yung placement ng voice ko,” ani Sheryn.

Sa kabilang banda, very proud din si Mel na umabot na ng two years ang relasyon nila ni Sheryn at nagpapasalamat siya sa patuloy na pagmamahal, pagrespeto, at pagsuporta sa kanya ng singer.

Bagamat maayos ang kanilang pagsasama, wala pang plano ang dalawa na magpakasal at magkaroon ng sariling anak. 

Sa All Out Concert, maraming inihandang pasabog si Sheryn para sa mga manonood ng kanyang 20th anniversary concert sa Music Museum sa July 8.

Iri-reveal kasi ang iba pang kaganapan sa buhay niya na ngayon lang niya sasabihin sa publiko.

Special guests ni Sheryn sina Ima Castro, Dianne dela Fuente, MMJ Magno, Miss Tres, at JMRTN ng REtroSPECT.

Dadalhin din ni Sheryn at ng mga producer ng All Out ang concert sa iba’t ibang bahagi ng Amerika at Canada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …