Wednesday , February 4 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christi Fider

Pag-arte at pagkanta tututukan ni Christi Fider 

MA at PA
ni Rommel Placente

TINANONG namin si Christi Fider kung ano ang latest sa kanya. Sabi niya ay may gagawin siyang pelikula na ang magdidirehe ay si Jay Altarejos at isang serye na si Cris Pablo naman ang direktor.

Ayaw pang sabihin ng singer-actress kung sino-sino ang makakasama niya sa pelikula. Bawal pa raw sabihin.

Sa kakukulit namin sa kanya na magbigay kahit isang pangalan, ayun, bumigay na rin siya.

Aniya, si Nora Aunor ang makakasama niya.

Actually noong ini-release ko ‘yung isa kong song, parang nag-comment si Direk Jay. Sabi niya , ‘Uy , I have a role for you,’”sabi ni Christi.

Patuloy niya, “Tapos noong ibinigay niya sa akin ‘yung script, I fell in love with the script.

“Sabi ko, kaya ko ba itong gawin?  Kasi sobrang magugulat kayo. May kissing scene ako.

“Very challenging. Pero ‘yun ang gusto ko. ‘Yung tipong hindi ninyo ako makikita roon sa role. I’m very excited na sa movie.”

SIno  ang makaka-kissing scene niya?

“Secret,” ang natatawang sagot ni Christi.

Aminado naman si Christi na tiyak na kakabahan siya kapag makakaeksena sa movie si Nora.

“Siyempre, sino bang hindi? Siyempre, si ate Guy ‘yun, eh.

“Mommy ko, sobrang idol ‘yun. 

“Pero iniisip ko na lang, lugar na kabahan ako, kalangan kong galingan. Dapat one take lang ako. Kasi kung uulitin, nakakahiya. Kailangang i-give ko ‘yung 100% ko sa movie,” aniya pa.

Bukod pa sa pelikula, may gagawin ding serye si Christi.

“With the series, I think they have an ongoing negotiation with Netflix.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Marco Gomez Paolo Gumabao Atty Topacio Spring In Prague

Marco Gomez maganda exposure sa pelikulang “Spring In Prague”, Paolo Gumabao saludo sa  produ na si Atty. Topacio 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGANDA ang exposure ni Marco Gomez sa pelikulang “Spring In …

PMPC

Bagong halal na opisyales ng PMPC nanumpa

RATED Rni Rommel Gonzales PINANGUNAHAN ng bagong halal na pangulo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ang …

Love Kryzl

Heart’s In Bloom ni Kryzl inilunsad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAKA-LSS ang bagong inilunsad at ikaanim na single ni Love Kryzl, ang Heart’s …

Angel Locsin Joaquin Arce

Angel bongga ang ipinakikitang suporta kay Joaquin

I-FLEXni Jun Nardo HANGGANG X (formerly Twitter) naglalabas ng tweets ang missing in action pa ring si Angel Locsin. …

Blind Item, Mystery Man, male star

Serye sa isang network ‘di maumpisahan, bidang aktor sayang

I-FLEXni Jun Nardo TOTOO ba ang nasagap naming tsika na may problema pa raw sa …