Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeli Khang Azi Acosta Aj Raval

Azi Acosta naagaw na korona nina Aj Raval at Angeli Khang bilang Vivamax Queen

DALAWA sa tatlong pelikulang pinagbibidahan ni Azi Acosta ang may pinakamataas na ernings sa Vivamax. Kaya naman si Azi na ang itinuturing na bagong Vivamax Queen.

Sa celebration ng 7 million subscribers ng Vivamax, nasabi ni Vincent del Rosario na ang dalawa sa tatlong pelikula ni Azi ang highest earnings ng Vivamax.

Ang unang pumatok na peikulang pingbidahan ni Azi ay ang Pamasahe kasama sina Mark Anthony Fernandez, Felix Roco, at marami pang ibang lalaki na idinirehe ni Roman Perez, Jr.

Napag-alaman naming all-time highest streams on opening day ang Pamasahe na ipinalabas noong December 2022 na nasundan pa ng Suki na napanood noong Pebrero 2023.  

Sa pag-arangkada ng Pamasahe at Suki, naagaw ni Azi ang pagiging Vivamax Queen sa may hawak nitong sina AJ Raval at Angeli Khang 

Ani Vincent, “Sa top three movies ng Vivamax, dalawa ang pelikula ni Azi, kaya siya ang masasabing reyna ng Vivamax.

“Dahil din ito sa walang pelikula lately si AJ, kapag naipalabas na ang movie ni AJ, let’s see.” 

Sa bagong line-up ng mga pelikulang ihahandog ng Vivamax sa mga nalalabing buwan ng 2023, may dalawa hanggang tatlong proyektong gagawin pa si Azi. 

Pero sa totoo lang, ang pinaka-panalo rito ay ang manager ng tatlo dahil nasa iisang kuwadra lang sila o nasa pangangalaga silang lahat ni Jojo Veloso. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF 2025 Movies

MTRCB ratings ng 8 pelikula sa MMFF inilabas

NATAPOS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), sa pangunguna ni Chairperson at CEO Lala …

Ina de Belen Janice de Belen Im Perfect Sylvia

Janice ipinilit ang sarili, napamura sa ganda ng I’m Perfect

MA at PAni Rommel Placente HINDI na active sa kanyang career si Ina de Belen. Hindi …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …