Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alfred Vargas Yasmine Espiritu Aryana Cassandra

Alfred Vargas, naiyak sa pagtatapos ng ikalawang anak 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

RELATE much kami sa naramdaman ni Alfred Vargas sa pagtatapos ng kanyang ikalawang anak sa elementarya. Kaya nangingiti kami nang hindi maitago ng public servant/aktor ang pagiging emosyonal sa pagtatapos ni Aryana Cassandra

Proud daddy si Alfred gayundin ang asawang si Yasmine nang ibahagi nila sa kanilang social media account ang pagtatapos ng kanilang anak. Dito’y ibinahagi nila ang mga picture at video ni Aryana  na nagtapos ng elementarya sa OB Montessori.

Tuwang-tuwa nga si Alfred na ibinalita sa amin ang ukol sa pagtatapos ng anak at nasabing next year ay junior high na ang dalaginding. 

Mensahe ng mag-asawang Alfred at Yasmine kay Aryana sa picture nila sa Instagram, “Congratulations our sweet, beautiful, strong, talented and smart Aryana.

“We love you so much!

Grabe ang iyak ko!

“Junior Highschool na din baby girl namin.”

Sa video message naman na ibinahagi ni Alfred, sinabi nitong, “To our daughter Aryana mahal na mahal ka namin right from when you were a little kid and until today. You have only given us piece of smile and hold our heads up and bright were so lucky to have you in our life, were so proud of you. 

“Be fearless in dreaming big. Remember to go after what makes you happy. Stay humble and help others along the way. Always share your talents. 

“It takes courage to grow up and become who you really are, but never fear. Take comfort and the fact that your mother and I will always be here cheering for you and believing in you no matter what. 

“Congratulations anak! High school ka na!

Nang matanong namin kung ano ang regalo niya sa anak na nagtapos? Anito, trip to Korea.

Iba rin talaga magmahal si Alfred sa kanyang tatlong anak. Kahit super busy siya sa pagiging konsehal sa District 5 ng Quezon City, kumukuha ng PhD sa UP, at umaarte sa telebisyon at pelikula, talagang binibigyan niya ng oras ang kanyang pamilya. May oras siya para makipag-bonding sa tatlong anak.

Sabi nga niya, kasama lagi sa pagpaplano ng kanyang oras ang kanyang mga anak para samahan ang mga ito sa kani-kanilang hobbies.

“Dapat talaga, ini-schedule mo lahat. Ako, naka-schedule ‘yung time ko, eh. Pag busy ka talagang tao, ‘yung personal time mo, dapat ini-schedule mo,” ani Alfred.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …