Monday , December 23 2024
Alfed Vargas Wendell Ramos Yasmine Espiritu

Alfred napapagsabay-sabay pagiging konsehal, aktor, tatay, at asawa 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAKABIBILIB ang galing ni Konsehal Alfred Vargas sa pagma-manage ng kanyang oras. Bagamat abala sa pagiging konsehal, may oras pa rin siya sa kanyang pag-aaral sa UP at pakikipag-bonding sa kanyang tatlong anak.

Nakakuwentuhan namin isang hapon si Alfred at napag-usapan namin kung paano niya naha-handle nang maayos ang kanyang oras lalo’t napakarami niyang ginagawa.

“Dapat ang mga kasamahan mo magagaling din at pare-parehas kayong naniniwala sa ginagawa ninyo,”umpisang sabi sa amin ni Alfred nang uriratin namin ito ukol sa kanyang mahusay na paghawak sa oras. “Halimbawa sa office suwerte ako na magagaling ang staff ko at masisipag. Kaya nababawasan trabaho ko,” sabi pa ng konsehal.

Pag-uwi ko naman ng bahay si misis (Yasmine) inasikaso nang lahat. So kanya-kanya, naka-compartmentalize ang buhay ko. Mabuti naman kahit ano, naiiwasan natin ang aberya, pero minsan talaga may conflict ang schedule eh,” natatawang pagbabahagi ni Konsi Alfred.

Araw-araw nagtatrabaho bilang konsehal ng District 5 ng Quezon City si Alfred. 

“Twice a week nasa City Council ako, sa mismong session at isa sa committee tapos ‘yung iba sa District  5 na.

“Sa UP twice a week naman iyon, Thursday and Saturdays, tig-3 hours iyon,” sabi pa ni Alfred na kumukuha ng PhD in Urban Planning sa UP School of Urban and Regional Planning (UPSURP).

Nasabi pa sa amin ni Alfred na sa isang araw nakaka-15 o 17 meetings siya.

“Kaya kapag nakakaramdam na ako ng sobrang pagod nagbabakasyon na ako,” anang aktor/politiko. “Nagpapa-block ako ng isa o dalawang buong araw. Kapag super stress, four days ang hinihingi ko.

“Ang hilig ko sa bahay lang, pero minsan mahilig ako sa The Farm at San Benito o kaya ‘yung farm namin sa San Jose, Bulacan. Tapos dapat talaga ini-schedule mo lahat. ‘Yung time ko talagang naka-schedule kahit ‘yung date ko with my wife, Yasmine, weekly ‘yan. 

“Time with kids, mayroon din. Kasi dapat kapag busy ka talagang tayo ‘yung personal life ini-schedule talaga. Kain-kain lang naman kami ni Yasmine, Japanese, Italian. Minsan window shopping.

“Ako kasi talagang binibigyan ko ng schedule ang personal kasi tayo minsan kung ano lang ang  natitira sa schedule natin doon natin inilalagay ang personal. Sa akin hindi, kasama talaga siya. Weekends ‘yung sa kanila,” pagbabahagi pa ni Alfred. 

Bukod dito may oras pa siya sa taping ng AraBella at nakatapos din siya ng pelikula, ang Pieta na kasama niya ang mga mahuhusay na aktor tulad nina Nora Aunor, Jaclyn Jose, at Gina Alajar.

Nakatulong ‘yung bagong format ngayon, ‘yung isu-shoot muna lahat tapos tatapusin at saka lang ieere. Ang mahirap kasi dati, isu-shoot mo ngayong umaga mamayang gabi ieere, nakaka-stress.

“Tulad ngayon tapos na kaming mag-shoot naipo-program ko na ang oras ko. Pati mga bakasyon ng pamilya naka-schedule lahat ‘yan,” sambit pa ni Alfred.  

Pinaka-bonding nila ng kanyang mga anak iyong pagpunta nila sa farm na nakapaglalaro ang tatlo nilang anak, nanonood ng Netflix at sinasamahan niya ang mga ito sa mga hobby nila.

“‘Yung panganay ko volleyball, ‘yung sumunod drawing, ‘yung bunso swimming. At kung hindi ko man sila nasasamahan sa lahat ng session, sinasamahan ko sila from time to time, naro-rotate ko. Kailangan talaga naka-schedule,” sabi pa ni Alfred. 

Halimbawa kapag sinamahan kong mag-swimming ‘yung anak ko, nagtatrabaho pa rin ako habang nagsu-swimming siya kasi isa’t kalahating oras iyon. ‘Yung volleyball apat na oras so, andoon ako sa covered court nagtatrabaho ako, multi-tasking minsan, alangan namang manood na lang ako roon,” anang politiko pa.

Sa kabilang banda, aminado si Alfred na nahihirapan na masaya siya sa pag-aaral, “itong pag-aaral ko, pag-PhD ko Urban and Regional Planning, gusto kong maging urban planner eh, four years ito, one sem pa lang hirap na ako paano pa kaya ang mga susunod? Challenge din kasi sa akin ang online, old school kasi ako, mas gusto ko pumapasok face to face, pero nakaka-adopt naman ako. 

Nae-enjoy ko ang pag-aaral ko kasi ‘yung mga kaklase ko mga dalubhasa rin sa ibang fields-xArchitect, Engineer, lumalawak ang network ko and nagugustuhan ko rin ang pagiging estudyante kasi tahimik, maganda ang mga conversation namin.” 

Sinabi pa ni Alfred na masayang-masaya siya sa buhay niya ngayon bilang konsehal, “nakakapag-acting ako uli, nakakapag-aral ako, nagiging tatay at asawa ako na maayos sa oras.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …