Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Arjo Atayde Maine Mendoza Alden Richards
Arjo Atayde Maine Mendoza Alden Richards

Alden nakiusap sa AlDub relasyon ni Maine kay Arjo irespeto

NAKIUSAP si Alden Richards sa fans nila ni Maine Mendoza na irespeto ang relasyon ng dating kapareha kayCong Arjo Atayde.

Sa vlog ni Ogie Diaz sinabi ng Kapuso actor-TV host na maligaya siya sa dati niyang ka-loveteam at sa fiancé nitong si Arjo.

Anang aktor, natural lamang at dapat lamang lumigaya si Maine. Kaya pakiusap niya sa AlDub fans na maging happy na rin sila para sa dating kapareha.

Sa ngayon po kasi, kung anong mayroon si Maine and Arjo, inirerespeto ko po ‘yun. I’m really, really happy for her,” giit ni Alden.

Sinabi pa ng aktor na, “Kasi akikita ko sa kanya na masayang-masaya siya (Maine). Irespeto na lang po natin kung ano mang mayroon po si Maine ngayon sa personal niyang buhay. Kasi kung anuman po ‘yan, deserve niya po ‘yan.”

Ukol naman sa matagal nang tsismis na may anak daw sila ni Maine, ito ang nasabi ni Alde,n, “Ang tsismis naman po, hangga’t hindi napatutunayan, will remain a gossip. Doon lang po ako palagi.

“Wala akong itinatago sa kanila. Pero roon sa part na may anak, wala po kaming anak ni Maine. ‘Yan po ang totoo. Sinabi rin niya po ‘yan,” giit pa niya.

Noong nangyari ang AlDub, isa ‘yun sa mga blessing sa buhay ko. Grabe ‘yun. Sobrang laki ng impact po niyon sa akin,” sabi pa ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …