Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Julia Montez Coco Martin

Coco at Julia 12 taong magkatrabaho hindi magkarelasyon

MARAMI ang naguluhan, kinilig, nagbilang ukol sa tinuran ni Coco Martin na 12 years na silang ‘magkasama’ ni Julia Montes

Ipinahayag kasi ni Coco sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN’s TV Patrolna,  “Napakasarap ng pakiramdam namin dahil 12 years na kaming magkasama, pero pareho pa rin tulad ng dati.

“Nilu-look forward namin kapag may project na magkasama kami and then kapag may pagkakataon, nakakalabas kami, nakikita kami ng mga tao pero name-maintain namin ang privacy sa buhay namin.

“Basta kami, hindi naman na kaming mga bata. Kung ano ‘yung nakikita at iniisip ng mga tao, ‘yun na ‘yun. Mas masarap ‘yung pakiramdam na pribado ang buhay namin, tahimik. Walang mga issue. Ito, masaya kami.” 

Dahil dito, trending si Coco sa tinuran na 12 years na sila Julia na ang pakahulugan ng netizens ay inamin na nga nito ang relasyon nila ng aktres. Marami na ang nagbilang, natuwa, at kinilig. At ang kasunod na inusisa ay ang ukol sa napapabalitang mayroon na rin umanong anak ang dalawa.

Kaagad namang naglabas ang Dreamscape Entertainment ng kanilang pahayag at nilinaw na ang ibig sabihin ng FPJ’s Batang Quiapo  lead star ay “12 working relationship.”

Anila sa kanilang Instagram Story, “To set the record straight, it’s a 12-year working relationship.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …