Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jason Hernandez mystery girl

Mystery girl ni Jason sinasabing nagligtas at nagpangiti muli sa kanya

HANGGANG ngayo’y pahulaan pa rin kung sino ang babaeng madalas kasama ng singer-songwriter sa kanyang social media account.

Makailang beses nang nagpi-flex si Jason na may kasamang babae sa mga picture na ipinakikita niya sa kanyang socmed. Kaya naman marami ang naiintriga kung sino nga ba ito.

Tila inuunti-unti ni Jason ang pagri-reveal sa sinasabing “mystery girl” na  pinaniniwalaang bago nitong dyowa.

And as usual, may mga natutuwa at nae-excite sa ginagawa ng dating asawa ni Moira dela Torre at mayroon din namang naiinis at nagsasabing OA sa mga pakulo ni Jason. 

Hindi naman apektado si Jason sa mga negative na sinasabi ng netizens dahil sige pa rin siya sa pa-mystery effect sa kanyang mystery girl. Sige pa rin siya sa pagpo-post ng kanyang bagong special girl.

Unang ipinakita ni Jason ang sinasabing mystery girl na “nguso” lang ang makikita dahil natatakpan ng sumbrero ang mukha at sa ikalawang flexing ay likuran naman ni ate girl ang nakita. Nakahilig iyon sa balikat ni Jason habang makikita sa harapan nila ang Golden Gate Bridge sa San Francisco, USA.

At ang latest na picture ay nasa Horse Shoe Bend Canyon sila at tila tumutugtog ng gitara si Jason. May caption iyong,  “Siya ang nagligtas sa ’kin, ang nagbalik ng aking ngiti.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Andrew E

Andrew E dagsa ang fans, mamamahagi ng collectibles

HARD TALKni Pilar Mateo MAILALARAWAN ang master rapper of this era, Andrew E. bilang livin’ …

Encantadia Chronicles Sanggre

Encantadiks tuloy-tuloy ang panalo

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG lakas ng Encantadia Chronicles: Sang’gre sa primetime. Base sa overnight NUTAM People …