Sunday , December 22 2024
Gene Juanich Vice Ganda

US based singer na si Gene Juanich, nakaranas din ng pambabastos sa asst. ni Vice Ganda

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAG-CHAT sa amin ang US based singer na si Gene Juanich upang sabihing sila rin ng mga kasama sa show ni Vice Ganda noon ay nakaranas ng pambabastos sa assistant ni Vice. Ito’y nangyari sa concert na Vax Ganda A Dose of Laughter na isa si Gene sa front acts.

Nang lumabas daw ang balita sa Pep.ph sa naging experience ng Fil-Am singer na si Garth Garcia na maltreatment mula sa assistant ni Vice, nagkalakas siya ng loob na sabihin din ang masamang karanasan nila sa naturang tao ni Vice.

Ayon kay Gene, sila ng mga kapwa niya Pinoy entertainer sa US ay nadesmaya sa naturang insidente.

Kuwento niya, “Opo, as Pinoy front acts po kami ni Vice sa Connecticut po iyon sir, kaya ayaw ko na pong mag-guest sa show niya, ever.

“Kaya gusto ko pong ipaalam sa buong entertainment world ang pambabastos na ginawa sa amin ng assistant ni Vice Ganda during the show. Bale reaction ko po ito at kompirmasyon sa reklamo ni Garth Garcia na naisulat sa PEP, na pareho kami ng naranasan sa tao ni VG.

“Ako mismo nakaranas ng di magandang trato at pambabastos ng assistant ni Vice at si Vice, ni hindi namamansin sa amin as front acts at ni hindi man lang kinumusta sa backstage or mag ‘Hi-Hello’ man lang sa amin as local artists na front act niya.”

Pagbabalik-tanaw pa ni Gene, “During our rehearsals po sa mismong stage, lagi kaming sinisigawan ng babaeng assistant ni VG na dapat daw hanggang dito lang kami sa area na ito, very rude ang kanyang pagsasalita na para lang kaming mga langaw. Sila ang dayo at bisita lang dito sa US, kami ang taga-rito kaya dapat sila ang maging polite at magkaroon ng respeto sa amin sa pag-support namin sa show ni VG.

“Si VG, hindi mo man lang makausap. bawal ka makalapit sa kanya, kapag lalapit ka, sisigawan ka ng assistant ng, ‘Alis! Alis kayo rito!’ Grabe po, para kaming mga langaw lang na binubugaw.

“Hindi po kami makalapit sa kanila sir, bantay sarado po kahit na front acts na kami bawal din kaming lumapit sa kanila, imagine that? Eh nakatulong kami sa pagbenta ng tickets,” mahabang litanya pa ni Gene.

Pahabol na himutok pa ni Gene, “Naikompara ko tuloy ang ugali ni VG kay Ai-Ai Delas Alas na very warm at very approachable sa aming mga local artists at talaganag makakausap mo nang maayos at makikipag biruan pa sa iyo sa backstage. Hindi gaya ni VG na bantay sarado at si Vice mismo ni hindi lumapit sa amin.”

Ano kaya ang reaction ng kampo rito ng tinaguriang Unkabogable Star?

Anyway, si Gene ay isang singer/songwriter na naging bahagi ng Broadway production ng Tony Award winning musical na Once On This Island na itinanghal last year sa CDC Theatre, New Jersey, USA. 

Ang latest single niya ay ang collab kay Michael Laygo ng kantang Puso Ko’y Laan. Ang next na aabangan naman sa kanya ay ang Look At Me Now, na first English OPM single ni Gene. Ang isang original OPM song naman ni Gene titled Kung Di Ako Mahal ay ire-release ni Garth Garcia as his OPM single ngayong darating na Mayo under Starlink Music.

About Nonie Nicasio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …