HATAWAN
ni Ed de Leon
TILA isang trumpong kangkarot na hindi mapalagay itong si Enrique Gil. My araw na desidido na siyang tumalon sa Kamuning, tapos biglang sasabihing hindi at sa ABS-CBN pa rin siya. Hihintaying baka sakaling balikan pa rin siya ni Liza Soberano na Hope na nga pala ngayon.
Ano ba talaga Enrique, haharapin mo na ba ang career mo nang solo o umaasa ka pa rin kay Liza? Maliwanag naman ang atatement niyon na mas mahalaga sa kanya ang isang career sa Hollywood, kaya nga dali-dali siyang umalis sa manager niya, sa network niya at kay Enrique.
Baka naman inaasahan ni Enrique ang sinabi noon na six months siya sa US at six months siya sa Pilipinas. Ano nga naman ang malay ninyo kung makasisingit pa rin siya sa six months.
Hindi na dapoat asahan ng GMA si Enrique. Madalin nila ang pagbabalik si Mike Enriquez, after all highest rating television program ngayon ang 24 Oras, sabi ng NUTAM.