I-FLEX
ni Jun Nardo
SARAP namang maging anak ng komedyanang si Kiray Celis.
Aba, bongga si Kiray dahil sa balitang binigyan niya ng P1-M ang kanyang nanay, huh.
Regalo ni Kiray ang pera sa birthday ng ina na napaaga ang bigay niya kasi nabuo na niya ang pera, huh. Take note, cash ang P1-M at ipinakita ito ni Kiray sa kanyang Instagram at FB account.