Sunday , November 17 2024
heat stroke hot temp

Marcos dapat kasado sa banta ng darating na El Niño — Recto

ni Gerry Baldo

HINIMOK ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph G. Recto si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na pagtuunan ng pansin ang parating na El Niño upang maiwasan ang malaking pinsala sa sektor ng agrikultura, koryente, at supply ng tubig.

Ayon kay Recto mayroon nang ginawa ang pamahalaan na “Roadmap to Address Impact of El Nino” noong nakaraang El Niño at ito ay kailangan i-update upang tumugma sa kasalukuyang panahon.

Ayon kay Recto ang estratehiyang ito ay ginawa ng National Economic and Development Authority sa pagtugon sa El Niño noong 2015-2016.

“Merong blueprint sa ganitong emergency. Kailangan lang ay to dust it off and brush it up, so it will be attuned to the unique characteristics of the 2023 version of El Niño,” ani Recto.

“One big motivating factor for President Marcos Jr., to commission an El Niño response strategy is that (El Niño) will hit a sector which is under his jurisdiction – agriculture.”

“Iyong agriculture natin meron ng preexisting comorbidities. On top of this is the recent combined fuel-fertilizer crisis. Foul weather should not be the third,” paliwanag ng Solon.

“Scarcity in water leads to scarcity in food. This is not an alarmist statement. It is a fact, because without water, you cannot grow food,” anang kongresista ng Batangas.

Sinabi ng dating senador, may pag-aaral ang World Bank na nagsasabi na ang pagtaas ng temperatura ng dagat ay nakaaapekto sa pagtatanim at nagkakaroon ng pag-antala sa pagtatanim na nagpapababa sa rami ng ani.

“A one degree increase in sea surface temperatures led to a 3.7 percent decline in irrigated dry season production and a 13.7 percent decline in rainfed dry season production in Luzon,” aniya.

Nakaaapekto rin sa hayop at manok ang El Niño.

         “Umiinom ang hayop. At kailangan ang tubig upang panatilihing malinis at mapigilan ang sakit sa mga farms. May ASF na nga sa baboy, tapos daragdag pa ang kakulangan sa tubig,” ayon kay Recto.

Ayon sa PAGASA, ilang El Niño na ang dumaan sa bansa mula 1980 at ang pinakamatindi ay noong 2015 na umabot sa $327 milyones ang pinsala sa agrikultura.

Noong 2015-2016, ang pamahalaang Aquino ay gumawa ng RAIN upang pagtuunan ang food security, health, energy security, safety sa 67 probinsiya kasama ang Metro Manila.

Ayon kay Recto maaaring gumawa ang pamahalaang Marcos ng sarili nitong sagot sa El Niño.

“I believe that the BBM version will be a superior one because it can draw from a wealth of previous experiences,” ani Recto.

About Gerry Baldo

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …