Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mel Martinez Athalia Badere

Mel naniniwalng selling point ang nostalgic factor ng pinagbibidahang pelikula 

RATED R
ni Rommel Gonzales

HAPPY si Mel Martinez na sa sinehan ipalalabas ang pelikula nilang D’ Aswang Slayerz lalo pa at bumabalik na ang mga tao sa sinehan.

“Yes! Sobra akong happy,” bulalas ng kapatid ni Maricel Soriano.

“Kasi siyempre ‘di ba noong pandemic namatay ‘yung industriya, so ngayon pumi-pick-up na ulit, so it’s about time.

“And at the same time yung sa ‘D’ Aswang Slayerz’ ‘pag pinanood kasi ‘to ng mga tao, para kasing bumalik ‘yung nostalgic factor, ‘yung humor niya kasi parang ‘yung humor noong mga araw, na lahat kayang abutin, na nakatatawa, tapos with the twist of nasa millennial era na tayo.

“So ganoon ‘yung feel niya. So, I guess ‘yun ‘yung isa sa mga ano, selling point ng movie, ‘yung comedic factor, kasi ‘yung mga punchline rito nakatatawa.”

Showing na sa March 22 sa mga sinehan ang pelikula na mula sa Amartha Entertainment Production at idinirehe ni Ricky Rivero.

Ito ang unang pagbibida ni Mel sa isang pelikula. Gaganap silang magtiyuhin ng isa pang bida, ang baguhang young actress na si Athalia Badere.

Maraming kasamang sikat na content creators at Tiktokerist sa pelikula nina Mel at Athalia tulad nina Christian Antolin, Magdalena Fox, Rosie Bagenben, Lester Tolentino, Benjie Rosales, si Dawn Dupaya, at introducing naman sina GJ Dorado at Chelsea Bon.

Kahit mga sikat na Tiktokerist at content creator ang kasama niya sa pelikula, si Mel pa rin ang pinakamalaking bituin sa cast ng pelikula. Mayroon bang pressure na sa kanya nakasalalay ang kapalaran ng pelikula sa takilya?

“Sa akin ba,” at tumawa si Mel. “May pressure definitely, hindi mawawala iyan, but of course you know, ako naman naniniwala ako na kung maganda naman ‘yung material, ‘di ba, tatangkilikin iyan.

“Siguro and at the same time with God’s grace, kung bakit sa akin napunta ‘yung role, kung bakit ‘yung pelikula nag-land sa amin, siguro lahat naman ‘yan ay kagustuhan ni Lord, kaya may pressure but lahat naman kami sa ‘D’ Aswang Slayerz,’ maano naman ‘yung faith namin, malakas. Na this will be a hit, kasi parang ito ‘yung ano ng Amartha Entertainment eh, flag bearer,” pahayag pa ni Mel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …