MATABIL
ni John Fontanilla
TRENDING na naman sa social media ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes nang kumalat ang mga litato nito kasama ang boyfriend na basketball player na si Ricci Rivero, nang maghalikan at nmagyakapan kahit maraming taong nakakakita sa kanila.
Wa keber nga ang magandang akttes sa kung anong puwedeng sabihin ng mga taong nakakakita sa ginagawa nilang dalawa ng mga sandaling iyon.
Kitang-kita nga sa mga ito ang sobra-sobrang pagmamahal sa isa’t isa kaya feeling ng mga ito na sila lang ang tao ng mga sandaling iyon.
At kahit nga sa launching ng make up line ni Andrea kamakailan ay grabe ang suporta ni Ricci.
At sa bagong journey ni Andrea bilang businesswoman sobrang saya nito? “I am the luckiest girl in the world to have my dream come to life! I just introduced my brand @ luckybeautyinc last week and I’m completely overwhelmed with love and gratitude toward my family, friends, and all of you who have brought me here today.”